
Originally Posted by
BratPAQ
Did some stupid thing kanina nung sunduin ako ni wifey. Naghihintay ako sa isang sakayan sa may terminal kay kay misis para sumakay, gabi na at madilim. May dumating na kotse, 2 sila, same color at same brand, didn't verify the model of the other car. Yung unang kotse eh tumapat sa kin. So ako sakay naman, habang pagsakay ako kay "wifey" yung isang kotse sa likod nya busina ng busina, tiningnan ko ng masama, sigaw ako "maghintay ka", busina ulit, tingin ulit ako ng masama sa kotse sa likod. Busina ulit, parang nakaka loko to ah. Tingin ulit ako ng masama, busina ulit. Di ko na pinansin at sumakay na ko.
Pag salita yung driver eh lalaki, di ko sya kita at madilim, naisip ko minsan kasi mga office mate ni misis pinag sa drive nya pag tinatamad sya, at may bumaba na nakasakay sa likod, kala ko officemate nya, at ang bastos naman basta lang bumaba at pumasok sa terminal at hindi man lang nag hi. Then napansin ko iba ang center console. That's when it dawned on me, I got in a wrong car. At yung kina bu-bwisitan kong kotse na busina ng busina sa kin habang sumasakay was my wife.
So habang umaandar si kuya at tinatanong ako eh sabi ko sandali, mali, hinto naman sya. Di ko naintindihan tanong nya, di ko rin naintindihan bakit sya umandar nung sumakay ako eh Private car sya, baka grab sya or something. Bumaba ako at lumipat sa kotse ng wife ko which is naka sunod naman sa min.
Malamang pinag tatawanan ako nung driver na yun hanggang ngayon.
Sent from my Mi 9T Pro using Tapatalk