paranoid talaga ako pagdating sa antibiotics, kaya hindi ako basta basta umiinom ng walang prescription. naalala ko kasi yung babaeng nagkaroon ng Stevens Johnsons Syndrome, dati ang alam ko ang nasa balita ay allergic reaction daw yun sa gamot particularly dun sa antibiotics na ibinigay dun sa babae.
note: Stevens Johnsons Syndrome yung nagkakaroon ng mga lesions all over the body, as in all over, yung babaeng nabalita dati pati daw sa loob ng privates niya ay meron, pati sa mata meron nabulag nga yung babae.
actually unknown pa talaga yung mga iba pang causes ng SJS, pero tumatak lang yung about sa antibiotics kasi nga nailabas sa tv. pero pwede din sa ibang gamot ma allergy, pwede ding due to viral infections like hepatitis, herpes, HIV etc.