Quote Originally Posted by AnuVaYan View Post
kapag feeling ko kailangan ko ng antibiotics, punta muna ako sa doktor, pa checkup, at pa reseta ng antibiotics kung kailangan. kaso minsan ang nirereseta grabeng ka mahal naman, yung nabili ko today 201.5 ang isa, tapos 7 ang kailangan.

nagsasayang lang ba ako ng pera? pwede ba na kahit anong sakit na kailangan ng antibiotics ay amoxicilin na lang? ang pagkaintindi ko kasi e bawat germs/sakit ay may ibang antibiotics na pampatay, pero baka mali naman ako e di next time e makatipid na hehehe.

mga doctors na tsikoteers shed some light naman. salamat po.
pamahal talaga ng pamahal ang antibiotics. its a never ending battle against the microbes. people make antibiotics, resistant strains survive. we make stronger antibiotics, even more resistant strains survive. never ending battle yan. dagdagan pa ng poor compliance (which is sometimes inevitable), kaya lalong lumalakas ang mga microbes.

i don't want to scare you guys pero meron ng mga methicilin-resistant staph aureus (MRSA) na hindi na tinatablan ng vancomycin, at meron na ding MDR-TB (mutiple drug resistant TB). kapag etong mga to ang dumapo sa iyo, medyo mahirap at matindi ang gamutan.

IMO, kung gamaling ka, then hindi ka nagsayang ng pera. and you're correct, hindi lahat ng antibiotics ay pwede sa lahat ng infection. you have to consider kung may allergy ka sa antibiotic, kung susceptible yung "germ" sa antibiotic na gagamitin mo, at kung ang antibiotic na iinumin mo ay aabot sa location ng katawan mo kung nasaan ang "germ."