Di pa po ako nakadaan sa Aguinaldo. Yung sta rosa-tagaytay road naman po walang biglaang paahon kaya tingin ko di ka naman po mabibitin dun kahit overloaded. Yung 1.3 vios naming fully loaded kasama punong trunk eh wala naman po akong naging problema considering na mas mabigat body nun at kargada namin. Ganito din sitwasyon namin nung inahon ko ang bitukang manok sa Quezon. Nasa tamang timpla lang po siguro talaga tsaka kung mas matulin yung nasa likuran mo, pagbigyan nalang po para iwas disgrasya.