Mahigpit din ba implementation ng conduction sticker coding sa LP?
Hindi naman kasi ako hinuhuli kahit coding na ako (conduction sticker) -- ewan ko lang sa Makati at LP.
Sent from my GT-P7310 using Tapatalk 2
Congrats sir. Pinaka magandang tambayan is SM southmall na siguro, manuod ka muna ng movie. sa KIA LP ko din nakuha sporty ko. sa totoo lang once or twice lang ako nasita ng coding ng sasakyan nuong 2010 pa yata huli ko. pag taga LP ka exempted ka sa coding dito sa LP pero hindi naman sila naninita na unlike nuon sa napansin ko. Coding ng isang car ko is monday pero naiikot ko pa sa PQUE, LP, carmona and bacoor wala namang hassle. hehehehe baka nakaka tsamba lang o baka sa sobra luma ng isang sasakyan ko naawa na silang sitahin pako![]()
makati nalang ang alam kong mahigpit sa coding. pagka alam ko "no plate no travel" policy sila except kung taga makati ka.
Sige, baka i-risk ko na hehe. Di ko talaga kabisado kung gaano ka-strict implementation ng coding sa LP since hindi naman ako umaabot sa area na yun. Naalala ko lang kasi nung 2008, hinuli ako sa Makati dahil sa conduction sticker coding.
Hirap matulog pag sobrang excited. Ayan, nagpalit na rin ako ng avatar. Hehe.
The Las Pinas traffic enforcers are very vigilant about number-coding of plated cars: laging nakatingin pababa, nag-aabang ng huli/kotong. But for vehicles with conduction stickers, the only issue to deal with is the "no plate, no travel" policy. In the 2 months I didn't have my lice4nse plate, I got pulled over just once. I just showed the Authority to Travel/Drive from the casa, and the subsequent extensions (ask your SA for multiple consecutive releases). As long as you have those, no fear. I don't know about other parts of Metro.
Thanks for the recommendations! Baka hintayin ko muna matapos yung coding before I go home when I pick up the unit on Tuesday. Mahirap na ma-chamba-han sa frist day ko ng pag-drive ng Sportage. Hehe. Hindi pwede during window hours kasi makukuha ko lang yung unit after work at around 5pm.
*dockiks: thank you din for referring me to Kia Las Pinas. I was able to get a very good deal from them even if I didn't get their in-house financing. I was not able to go directly to the owner as you told me because sobrang layo ng las pinas sa amin (QC Commonwealth), but I mentioned you sa agent. Hindi na ako naka-reply sa PM nyo because puno na raw yung inbox nyo. Thanks again!
Good morning po. Newbie lang po ako dito sa forum. please bear with me.
Planning to get the EX AT 2WD this September. Sana po matulungan ninyo ako sa mga aking katanungnan:
1. Yun spare tire po ba nakasama ng EX ay donut type or mags na din po?
2. May back up sensor po ba yun EX AT model?
3. yun SA ko ang offer sa akin na freebies are: 10k discount and LTO registration with TPL, floor mating, 3m tint, codruroy seat cover, window visor and EWD. Good deal na po ba eto? nakakahiya naman po kasi na humingi pa ng humingi ng pwede bigay na freebie baka sobra sobra na hinihingi ko.
4. Sa release po ng plate number, based sa mga nabasa ko sa thread, nasa 4 months yata ang pinaka matagal. Meron po ba nag avail nun OMVSP sa inyo? medyo mataas po singil sakin ng SA, yun 25k na price sa LTO naging 35K sa kanila (3 alpaha numberic + 2 numbers). Matatawaran pa po ba eto?
5. Mas maganada po ba na ako na kumuha sa dealer na may sariling service bay?
6. Meron po ba kayo na marerecomend na kia dealer na mga ganda ang bigayan? Looking for sand track color pero sabi sa dalawang dealer na nakausap ko (cubao and pasig) white lang ang available.
7. Sa car insurance, okay po ba yun Charter Ping Insurance? Eto po kasi yun free insurance na offered the metrobank pero may condition to renew the 2nd and 3rd year with the same insurance company.
Good morning po. Newbie lang po ako dito sa forum. please bear with me.
Planning to get the EX AT 2WD this September. Sana po matulungan ninyo ako sa mga aking katanungnan:
1. Yun spare tire po ba nakasama ng EX ay donut type or mags na din po?
Hindi donut yung kasamang spare tire.
2. May back up sensor po ba yun EX AT model?
Yes, may back-up sensor na kasama.
3. yun SA ko ang offer sa akin na freebies are: 10k discount and LTO registration with TPL, floor mating, 3m tint, codruroy seat cover, window visor and EWD. Good deal na po ba eto? nakakahiya naman po kasi na humingi pa ng humingi ng pwede bigay na freebie baka sobra sobra na hinihingi ko.
Check out Kia Las Pinas. I will be getting my unit on Tuesday. Freebies are LTO registration, floor mats, window visor and upgraded head unit w/ GPS and back-up camera. Hindi ako nagpalagay ng tint and seat cover since magpapalagay ako sa labas. Not sure though if mabibigay pa yung mga yun since medyo mahal na yung HU upgrade.
6. Meron po ba kayo na marerecomend na kia dealer na mga ganda ang bigayan? Looking for sand track color pero sabi sa dalawang dealer na nakausap ko (cubao and pasig) white lang ang available.
I got the sand track from Kia Las Pinas. Yesterday, may isa pa silang unit ng sand track pero naka-reserve na ata. Sa first week of September daw, may darating pa.
I recently backed up on into my gate and my left side view mirror clipped on my gate and damaged the plastic glass covering the LED signal light strip. Planning on changing the side view mirror. May idea kayo sa cost and availability?
Thank you Sir. Kakagaling lang namin sa Kia Metroeast, bukas pala sila pag Sunday and holiday. Nakita ko nga na mags yun spare tire at standard yun backup sensor![]()
Medyo matagal din pala ang release ng plaka. Dapat siguro itanong ko din sa dealer baka may factor din yun dealer kung malakas sila sa LTO or hindi pero malamang wala naman aamin :D
Tama po kayo regarding sa freebies, madami freebies daw ang maiibigay sakin kung mag in-house financing ako. Pero pag P.O. lang daw, baka wala sila mabigay, unit lang.
Thank you Sir. Sa Kia Metroeast white lang ang meron sila ngayun at hindi makapagcommit yun kausap ko kung kelan dadating yun kulay na gusto ko, either next month daw or next next month
Nag in-house financing po ba kayo or cash? Wala pa ko dealear na nagoffer sakin ng upgraded head unit, dahil siguro bank financing ako at wala sila masyado kikitain.
I will get my unit through bank financing. Mababa kasi yung rates sa company ng wife ko eh. Kaya sobrang ganda ng deal ng nakuha ko sa Kia Las Pinas kasi ang daming freebies kahit na hindi in-house financing.
Got my LX (Manual) sa Kia Ortigas thru BPI. Freebies ko ay LTO, matting and dalawang payong.Would have gotten more freebies if thru in house financing pero nag compute ako, parang binayaran ko din freebies na binibigay nila with in house financing so opted na straight sa BPI na lang. Mababa pa monthly.
talo ka talaga sa amortization pag in-house. advantage lang ng in-house ay low dp
UCPB sir. Sa SMC kasi nagta-trabaho wife ko, and may special rate silang binibigay for employees. I checked the add-on rates online, yung BPI and PSBank nasa 33-34% yung add-on rate kung 5 years to pay yung loan. Yung sa UCPB, 25% lang yung add-on rate for a 5-year loan. Nakaka-inggit nga yung offer for SMC Managers eh. 0% Down, free chattel, tapos mas mababa pang interest rate.