
Originally Posted by
marq
good day HiLanderSl,
palagay ko naging pareho tayo naging problema ng hi-lander SL natin. problema ko yan dati wayback 2years ago.
nagpunta ako sa magaling na auto service shop sa magaling na mekaniko, binuksan ang hood then start engine, ayun na nga malakas ang vibration. tinanong nya ako kung anu na ang mga ginawa sa car ko, pinagawa ko na:
1. change oil
2. change oil filter
3. change fuel filter
4. change air filter
kulang nalang change car! joke!
then he asked me kung kelan huling nagpa adjust ako ng valve clearance. matagal ng hindi pa na-adjust ang valve clearance sa pagkakaalam ko.
then nagsuggest sya at inayunan ko naman na gawin nya i-adjust valve clearance.pero sa madaling sabi he found out wala halos lahat sa standard ang valve clearance pagkatapos gamitan ng feeler gauge tool, kahit anung pihit nya sa drive pulley para makuha ang BTDC in order to correct the appropriate clearances of each valve. yun ang main cause kaya parati malakas ang vibration ng makina.
Recommendation ng mekaniko is to submit into top overhaul work. ayun upon dismantling various engine parts on top nakita ko yun mga valves may mga ukit na malalim sa tip ng valve yun iba mababaw at concave ang shape ng tip nito
.
top overhauling ang ginawa, palit lahat ng:
1. valve (4ja1 ang hi-lander though 4jb1 valve is okay kc dala ko sample at exactly the same physical aspect as advise by jayson auto supply)
2. valve seal
3. overhauling gasket
note: dapat original lahat para sure.
Remarks: upon completion of work, I'm 101% satisfied at masaya of course kasi problem has been solved diba?!
share ko lang naman eto sayo. who knows baka yan din talaga problem ng hi-lander mo diba?
But, hindi ko sinasabi sayo nor advising you to have to do that all the way.
Better seek another opinion from your trusted and versatile mechanic to be able to analyse whats probably the main cause problem of your car.
As i've said it's only my shares to you. Good Luck and God bless!