Results 3,181 to 3,190 of 3710
-
December 8th, 2015 09:18 PM #3181
dexron 3 or higher are reverse compatible with previous rating (dex 2). yung murang mineral atf ay ok na ok na. pwede rin sa may gas station na may lift mo na ipagawa para makilatis mo na rin ilalim. hindi naman maarte yang sasakyan na yan. petron atf usually ginagamit ko. wag lang kalimutan na engine at trans ay ENGINE OIL ang gamit. madaling mapudpod ang brass (synchronizer) sa gear oil (sa kaso ng isuzu msg trans).
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2015
- Posts
- 67
December 10th, 2015 08:52 AM #3182Good day po sa lahat ng Crosswind owners.
Meron akong 01 Manual Crosswind XTO and gusto ko sanang pormahan ng konti. Sana may makasagot po sa mga questions ko:
1. Possible ba na e-facelift yung XTO natin dun sa bagong design ng headlights, grill and bumper ng newer models?
2. Anong aftermarket mags po kaya ang bagay sa XTO? (design and anong size)
3. Since walang roof rails yung XTO pwede ba itong lagyan ng roof rails and roof rack. Meron akong napagtanungan dati and sabi nya pwede naman lagyan ng roof rails pero huwag daw lagyan ng roof rack. Ano opo opinion niyo dito?
Salamat po.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
December 11th, 2015 12:10 PM #3183Thank you very much sir, yes sir, got an atf dexron III from total gas station na pwede daw isuzu pero talagang pinipilit nila na gear oil ang transmission which I didn't mind and just brought it to my trusted mechanic and yes you are definitely right na engine oil lang talaga dapat 15w40 delo ang binili ko or havoline ata un hindi ko matandaan kasi pati gear oil ng differential pinapalitan ko narin
pinalitan ko narin mga pangilalim like ball joint kasi super play na sya uppers.. repack ng bearing, replaced brake shoes, ok naman daw tie rod, center link and mga shock absorber, pero yung sa likod pinalitan ko ang shock absorber, yung leaf spring naman, gusto ko sana palitan kasi masakit na bagsak nya sa likod once na dinadrive ko sya pero sabi ng mekaniko ko wala naman daw problema dun, pero dun sa isang shop na tinanungan ko dapat palitan na daw kasi medyo nakadapa na daw kaso naman 13k pair daw ung leaf spring, iniisip ko, parang hindi naman ata sira ung ibang components ng leaf spring, iniisip ko palitan lang welya, ano po kaya mas advisable dun? palit welya o palit buong leaf spring po? also, yung po radiator ko po, napansin ng mekaniko ko na pinaayos na daw at hindi na coolant ang laman and its water nalang, clear naman pero parang gusto ko po palitan ng coolant para mas ok, kaso may nabasa din ako sa ibang forum na may isang nagpapalit din ng coolant pero advise daw ng mga taga isuzu is 1 liter concentrated lang tapos the rest is distilled water? ganun lang po ba talaga? paano po ung sinasabi na 50/50 dun sa coolant? kasi nakakita po ako ng prestone coolant at directions nya, 1 liter lang po ba talaga o follow ko prestone instruction? sa prestone kasi kung 5 liter capacity ng cooling system ko, dapat 2.5 liters ng coolant and 2.5liters din ng distilled water? any advice po mga sir / experts / master?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Apr 2009
- Posts
- 551
December 12th, 2015 10:01 AM #3184
nung nag umpisa ako 1bottle every full tank ko. now half bottle na lang. check mo sa 2t thread sa Engine and fuel thread.
makikita mo result after some time hindi na yan mausok. and lagi ka lang magpalit ng fuel filter everytime change oil and oil filter makikita mo mawawala na yang white smoke. and also every 2 years nagpapalit ako na Air filter.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Apr 2009
- Posts
- 551
December 12th, 2015 10:23 AM #3185yung sa 2001 XTO ko hindi naman sira ang leafspring, yun lang mababa na rin pag may passenger pagnalubak tama siya
sa stopper. yun lang maganda yung ride hindi matagtag. pag tiningnan ride height pantay lang sa front kaya hindi ko na replace. should be yung likod higher ng kaunti just like yung mga bagong XT na UV express. anyway bihira lang naman fully loaded ride ko. suggest ko sayo kung every day or madalas fully loaded ng passengers and may karga sasakyan mo, palitan mo na just like sa mga bagong XT yung Flexride leafspring. yun lang kung mag isa ka lang medyo matagtag.
sa coolant, nagpalit lang ako last summer. ginamit ko Peak ready to use Coolant. yung mga concentrate you have to mix distilled water. sa estimate ko 4.5 to 5 liters nagamit ko nung nagpalit ko. so kung sa prestone concentrate buy
ka lang 2liters tapos mix mo distilled water 2 or more liters. hindi naman kailangan exact 50/50. paniwala ko lang huwag
masyadong matapang ang timpla. or buy ka na Ready to use na prestone diretso na wala ng halo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
December 13th, 2015 07:35 AM #3186
I've read some infos sa mga forums, ganito po kasi ang parang naiintindihan ko which is the opposite way sa pagkakaalam ko sa coolant, ang coolant pala ang pinakatrabaho nya ay anti corrossion, mas advisable parin pala ang pure water lalo na sa hot weather kasi best solution sa pagprevent ng init at ang coolant sa mga malalamig na panahon o lugar kasi nagpapainit pala ito ng tubig once reach na ang boiling points kaso maraming nagsasabi na naninira ng cooling system such as pump, radiator sa katagalan kung tubig lang gagamitin, so ang pinakanaiintindihan ko, dapat may coolant and water for best solution and hindi naninira ng cooling system dahil anti corrossion sya (coolant) and water (for heat), ang pinakatanong ko lang sa sarili ko is kung mag50/50 ba ako ng mixture knowing mainit ang lugar natin or mas marami ang tubig ng 60 or 55 percent and 40 or 45 percent coolant or mas marami ba ang coolant ng bahagya as 60 or 55 and water is 40 or 45 percent.. sa pagkakaintindi ko kasi parang mas advisable na konti ang coolant kapag mainit ang lugar tulad natin sa pinas na laging mainit, ano kaya palagay nyo mga sir? kasi parang kontra ang sinabi ng mekaniko ko kasi sabi ng mekaniko ko mas advisable ang mas marami coolant at wala kwenta daw pag konti ang coolant over water mixture,, kaso sa pagkakaintindi ko pag hot weather tulad ng pinas dapat marami ang water kasi ang water talaga ang absorption ng heat at coolant ang anti corrossion na magaalaga lang sa mga cooling system parts. tama po ba ang nasa isip ko?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
December 13th, 2015 07:38 AM #3187
kasi ang dati nasa isip ko sa pagkakaintindi ko sa coolant ay nagpapalamig sya pero sa nababasa ko sa mga forums, ang coolant pala ay protective liquid sya sa cooling system para maprevent ang corrossion / rust at hindi naman nagpapalamig bagkus nagpapainit pa pala agad ng system.. ano po kaya talaga ang tamang sagot dito naguguluhan po ako
-
Tsikoteer
- Join Date
- Apr 2009
- Posts
- 551
December 13th, 2015 08:27 PM #3188
Sa aking palagay at experience na din mas mabuit kung may coolant. ito ay anti corrosion, anti rust and as a lubricant din ng ating cooling system. bilhin mo na lang yung REady to Use na presstone. Drain mo lang water sa radiator at
punuin mo lang nito. kung sakali after a few days magbawas ng kaunti normal lang yan mag add ka na lang ng Distillled water either absolute or wilkins. Kung concentrated naman na coolant sundan mo lang yung 50/50 or kahit naman mas marami ang distilled water. nasa sayo yan hindi naman makakasira sa cooling system. wag lang mas marami ang concentrated coolant. yung iba naman distilled water lang walang coolant, pero after a few years pag nag drain ka makikita mo yung tubig may halong kalawang na. para sa akin kaya mga sasakyan pag lumabas sa casa mga brand new lahat may coolant, it means ito mas nakakabuti.
-
Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 1
December 14th, 2015 09:33 AM #3189Question lang po. San po maganda bumili ng clutch master assembly ng Crosswind? yung magandang replacements sana and kung anong brand po maganda. thanks po!
-
December 14th, 2015 12:00 PM #3190
oem pa rin ang the best kung pangmatagalan. about P1.9k ke walco sa banawe.
pero yung ipinalit ko this time dahil nasa probinsya ako e yung sanyco brand (taiwan) PN 8-97039 704-0 worth P400 lang. 3,000 km so far ok pa. sana lang kahit maka 20 or 30k km ang itagal e ok na para sa akin.
What do you guys think of this alleged defect of the 2017 a/t models? ...
The Toyota Fortuner has landed (fortuner pics at...