Results 41 to 50 of 1770
-
Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2005
- Posts
- 3
October 6th, 2005 11:03 PM #41110,000kms na xto a/t namin, nov.2001 nilabas. nagkaproblema kami sa rotor kimikinig pag nagpepreno ,twice napalitan,tumino nung pang fuego na inilagay,under warranty pa nun. ung turnilyo sa kabitan ng muffler trice napalitan,under warranty pa din nun, turnilyo lang naman napuputol pero pati muffler pinapalitan kaso napuputol pa din talaga, kaya nung wala ng warranty naglagay kami flexible pipe,nun pa lang umayos. sa radiator naman nagkakaroon ng crack sa kabitan na hose sa ilalim, para kasing fixed radiator kaya pag nagvibrate engine parang inaalog ng hose ung kabitan sa ilalim. so far di pa kami nakakaisip ng solution, 3x na kami nagpapahinang sa kabitan ng hose sa ilalim. 80,000 nagpalit kami center link, nung 100,000km nagpalit kami tie rod kahit di pa gano kalog, kapapalit lang namin oil seal, sbi nga mekaniko sa bmd swerte at inabot 100k bago nagpalit ng oil seal. wala pa namang major breakdown, basta regular lang change oil namin every 5000km, tune-up every 15,000. every change oil nagpapalit din kami air cleaner filter,replacement gamit namin na tig- P180 lang. castrol gtx diesel langis namin at puro petron lang diesel.
kakadagdag lang namin leafspring,segunda madre, pang highlander, UE may gawa, P600/pair. gas shocks front(tokico) and rear(bilstein na pang lumang trooper ung mas box type),malaki improvement sa ride, di na maalon.tires namin pirelli P3000 cinturato 205/70R15,tahimik di makalabog.tinipid nga ung original na nakakabit kasi pang kotse lang yokohama s306. tibay na din p3000 inabot 90000km. para sa amin sulit na xwind, tipid pa sa diesel.
-
October 7th, 2005 01:37 PM #42
salamat momo sa pakikibahagi ng karanasan mo. yung sakin more than 118K na, July 2001 ko nakuha. siguro by end of the month, more than 120K nako. aside from the radiator and mufflers na nasira, eto pang ibang parts na napalitan ko na,
95K - clutch plate, pressure plate, pilot bearing, clutch release bearing (city driving kasi and going uphills to antipolo madalas)
front brake pads (pero ok pa rotor disc ko), rear brake shoes
power steering hose, 1 pc gasket ng steering gear
a/c belts, alternator belt
iniisip ko din baka palitin na center link at torsion bars ko. bakit na recommend ng mekaniko mo na palitan centerlink at torsion bars? dahil ba sa medyo loose na yung steering wheel? medyo may play na kasi yung steering ko, kako baka dahil yun sa center link or torsion bars.
ganun din sa oil seal. bakit pinalitan? ano symptom para sabihin na palitin na sya?
-
October 7th, 2005 02:30 PM #43
i had my rear oil seal changed when i had my clutch system (plate, cover, pilot and release bearing), tumutulo na kse...and kahit d man tumulo, adviseable na isabay ito pag nagpalit ka ng clutch parts kse kailangan den ibaba yung transmission for the job
so imo, kung malakas ang leak, palitan na, front and rear yan, yung sa harap ko dati may tumulo naren, suspect ko sa front oil seal, pero oil pan gasket lang pala, ngayon malinis na ang ilalim ng engine bay ko...=)
mine's using the 4jb1 and a pikup...halos palang ng 4ja1 without the turbo and and its 2.8
-
October 7th, 2005 02:57 PM #44
putulin na natin ang clutch at mag automatic na tayo hehehe
ako rin noon nasunog ko na clutch ko sa baguio palit na rin ako ng assembly dati and then tumigas...
another help pls...
yung power window ng crosswind maingay pag kahati ng pagbaba parang may malakas na TICK!!! or TOCK! tapos baba na ulit
nakaka bingi huhuhu
ano ba yung assembly ng power window ng crosswind? cable ba sya?
pwede bang sprayan ng wd40 mechanism sa likod? nakaka takot kasi baka bigla nalang bumigay di ko na ma open
-
October 7th, 2005 03:21 PM #45
don't use the wd40, kase titigas lalo yung rubber or yung kinakapitan ng window...mas ok daw kung singer oil nalang. i use a silicon spray for my windows, i just re apply once every 3 months or so...
from the sound of it...either it needs lubricating or malapit na mapatid yung cable (?)...i had the same experience with mine before.
-
Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2005
- Posts
- 3
October 8th, 2005 09:21 PM #46medyo may play na nga rsnald yung manibela kaya nagpalit na kami center link at tie rod, tas nung inangat may kalog na nga konti. un naman sa oil seal may katas na pakonti konti, malakas tagas pag tumatakbo, kasi may pressure pero pag nakahinto wala halos, kinapa namin nung nakalift ung sasakyan. pag may play na talaga steering wheel sigurado may palitin na, para sure ipalift mo na para ma-check mabuti. nakalimutan ko banggitin na nagpalit na din kami fan belt, pati mga breakpads.
un nga pala sa clutchfan, instead na magpalit ka kung nagfree-freewheel na pag pinaikot mo ng kamay, pwede un lagyan ng silicon, ginawa yun sa amin gawaan ng aircon nung nagpalinis kami, sa casa kasi pinapapalitan nila, ang mahal. mura nga pala mga parts sa jayson auto supply, importer, sa reynaregente(tama ba spelling)sa binondo,basta karugtong ng abadsantos kung dun ka galing tatawid recto, pati sa olympic auto supply sa araneta, between e.rodriguez at aurora.
check nyo nga pala ilalim ng mga pinto nyo kasi medyo may kalawang ung sa amin, sa front passenger at rear door. maliit lang naman, sa mga labasan ng tubig(drain) wala naman bara pero may rust na. ang bilis nga kalawang, 4 years pa lang, ung proton auntie ko ten years na no sign pa rin rust, di pa maalaga sa sasakyan.
may tanung lang ako? napapansin nyo ba na blind spot ung poste ng windshield sa gawi ng driver? masyadong makapal ung poste.
-
October 8th, 2005 10:45 PM #47
Mukha nga. Akala ko ako lang. Parang pakiramdam ko kasi, di sya panoramic, so I have to lean forward pag diko kita.
-
October 10th, 2005 08:55 AM #48
*momo/psalm
tama kayo about the "A" pillar (yun yata tawag dun), nung bago bago pa nga ako nagmamaneho, ilang beses nako muntik makahagip ng biseklta or sign post sa kalsada dahil blindspot yun.
thanks momo sa inputs mo about the centerlink. mapatingnan nga yung sakin, madalas pa naman ako malubak. nakalimutan ko idagdag, nagpalit na rin pala ako ng battery nung early 2004. di pa naman totally dead battery ko, pero minsan nako itinirik (ayaw mag-start from parking lot), ang hirap pala magpush-start ng xwind, limang katao nagtutulak, mabigat kasi :D at di mo ma-start sa 1st gear or 2nd gear. 3rd gear ko yata nakuha.
yung sa clutch ng radiator fan, ang paliwanag sakin nung kakilala ko, centrifugal clutch daw yan, pag ikot ng fan, saka lang sya kakapit dahil naitutulak palabas yung fluid(?) or something. madali nga lang daw ayusin yan kung marunong ka.
sa makina, wala akong reklamo, matipid at malakas pa rin humatak even after 100K, di ka talaga kakabahan sa byahe (knock on wood). shell diesel ako at ibat ibang lube oil nasubok ko na (petron rev-x trekker, caltex delo, castrol gtx, castrol crd, shell helix, shell helix diesel, isuzu motor oil at kahit nga yung rotella at petron HD na pang jeepney ok pala sa crosswind).
salamat ulit momo sa mga tips mo lalong-laong na yung locations ng murang bilihan ng parts.... and welcome to our group, the ihcogins (isuzu hilander/crosswind owners na mahilig sa gin, hehehe indeh, owner's group)Last edited by rsnald; October 10th, 2005 at 08:57 AM.
-
October 10th, 2005 09:03 AM #49
Originally Posted by Jeepcruizerph
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 227
September 8th, 2006 04:26 PM #50rsnald, normal ba yung matigas? malambot apakan ang clutch nang crosswind di ba?
1. Regular keys 2. Backpack (default) Ang laman ng pants ko: office days Harap kanan – phone...
On Keys and Key Fobs...