Results 3,501 to 3,510 of 12125
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2006
- Posts
- 391
October 30th, 2015 04:27 PM #3501
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2006
- Posts
- 391
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2005
- Posts
- 824
-
October 30th, 2015 09:40 PM #3504
basta ako wala talaga ako tiwala kahit kanino pagdating sa kotse ko. Never nga ako nagpa valet. Ayaw na ayaw ko mawawala sa paningin ko lalo na pag service.
May privilege pa nga ako sa Ayala owned dealerships na pwede pickup and delivery yung sasakyan with loaner car while under PMS service, pero mas gusto ko ako yung pupunta sa dealer at antayin ko matapos yung ginagawa. Always at Bay1 sa Isuzu Pasig, yung kita from the lounge. 😉
-
October 30th, 2015 09:42 PM #3505
Sa Isuzu Bulacan pwede lapitan, pwede din panoorin sa baba, I guess di bawal kasi di ako pinapaalis LOL.
Nung pinaayos ko recall sa seatbelt they even asked me if gusto ko pa daw sumama sa bodywork section nila, papainitan daw yung bolt kasi di matanggal.
-
October 31st, 2015 09:06 AM #3506
Ako okay din naman ang experience ko sa Isuzu Rizal except that chambahan ang availability ng lifter nila (I prefer my vehicle lifted during pms kasi mas malinis ang gawa).
Minsan di kasi talaga maiiwasan ang problema sa mga mechanics dahil most of them are OJTs. Sad to say na ang susi sa kahit saang casa is kaibiganin ang mga service advisers lalu na ang mechanic assigned to your vehicle. Kung may na typan ka na mechanic, request for him on your next vehicle pms.
Also, sa warranty claims, usually iba ang team na naghahandle diyan, which includes the warranty officer. Isa pa yan na dapat kaibiganin (you know what I mean) to give you favorable findings.
Kaya nga ako hindi ako masyadong naniniwala sa warranties eh. Yung mga maliliit na warranty claims, minsan instead of going thru the hassle of filing warranty requests, binibili ko nalang imbis na iwanan ko sasakyan ko sa casa. Having said this, Im seriously thinking sa suking mechanic nalang ako magpapa change oil next time. Yan din ang advantage natin having bought isuzu. Matibay and reliable ito unlike the other brands na talagang aasa ka sa warranty kasi hindi mo alam kung may masisira. Bukod doon mahal pa ang parts kung void ang warranty.
Buti nalang nairecord yung conversation ng mga loko sa isuzu rizal. Dapat yun patanggal na nila kaagad eh.
-
October 31st, 2015 09:43 AM #3507
Hindi yan first time nagkaproblema ng mu-x ko.
Nung kinuha ko Dec 15, 2014, yung full windshield tint na naka kabit hindi 3m black. Platinum na silver black yata.. Sabi ko habang kinakabit nung tinter nila black daw, sabi ko malinaw mata ko hindi black yan. So kinausap ako nung agent ko, sabi nya home service na lang daw papalitan. So I agreed, less hassle for me to go there.
Habang nag prepare yung tinter sa garage namin, tinanong ko sya, kailangan mo ba ng pang takip sa dashboard? Sabi nya di na daw. I know magiging basang basa yun kasi papalitan yung windshield tint. I just want to make sure na walang mababasa na electrical components. I asked again, sabi nya may basahan daw sya. So sabi ko Okay.
Nung natapos na, umalis na sya at kailangan ko na din umalis papuntang Antipolo dahil bibili ako ng kasoy. Biglang umilaw check engine light habang paakyat ako, tapos yung aircon ko naging full blast yung temperature to the point na umuusok na ito. Tumigil ako sandali to check why, nung pinatay ko nawala na yung usual display sa dashboard pag kaka bukas mo lang ng engine. Nung 2nd try ko start, lahat na ng ilaw sa dashboard nakailaw. Abs, battery, check engine, fuel filter, lahat! Tapos ayaw na mag start.
Buti na lang I know how to reset the ECU, nung nireset ko nawala naman mga error lights at napaandar ko na din. Pero yung aircon ganun pa din. That's when I suspected na grounded yung wirings somewhere underneath the dash kasi nga dahil hindi tinakpan mabuti nung nag tint. At ito ay dahil sa tinter na palpak.
Nung dinala ko sa kanila, ayaw nila maniwala at wala daw error code na lumabas. Sabi ko check nyo ulit yung aircon. Ayun nakita nila umuusok na sa lamig yung aircon ko while the temp is 2 clicks from zero. Binaklas nila yung dash, pinahanginan ng heat gun and compressed air yung electricals, at naayos naman.
Buti hindi nag short at kung sakali ay nasunog itong sasakyan ko.
Pag iingat nga naman....
I requested for the concerned personnel to be suspended or reprimanded, mukhang wala naman ginawa ang Isuzu dahil di na nila ako inupdate tungkol doon.
After 25k kms sa labas na ko papa pms, but i'll still buy original Isuzu parts. Nilibre kasi nila yung 20k km PMS ko for the hassle of my warranty claim. Hindi kasi ako satisfied talaga sa thud/knocking sound. I have owned a number of SUVs, Pickups, and Cars, walang ganito ang brand new. Pero tried and tested ko naman I'm satisfied with how the car performs. Iba ang ganda ng ride sa Fortuner/Montero. Iba din yung pull nya mas maliksi at hindi hirap makina.
Alam ko yung IGMO Multi Z oil nila ay Caltex Delo din, eh repackaged lang. May kilala din akong mabibilihan na mas mura kesa sa casa. 🙌
-
October 31st, 2015 12:35 PM #3508
Wow, dami niyo pala naging experience sa mu-X niyo sir. Btw may update na po ba sa front suspension? Nasawa na ako kaka sabi pag PMS nung squeaking noise di naman nawawala.
Btw, sa mga A/T, nararamdaman niyo ba pag nag shshift parang may sumasabit, yung feel niya e parang nagbubukas ng cabinet. Siguro dust yun na naipon, or baka naman pwede lagyan ng parang lubricant..?
-
October 31st, 2015 12:59 PM #3509
Kung sa labas ka na magpapa pms, just use delo400 oil kaysa bumili ka ng multiz. Ganyan nalang din ang gagawin ko next pms ko bro. Ill buy orig isuzu consumables tapos sa labas nalang ako papagawa. Just take not of the things need to be done. Nothing fancy naman ang pms ng isuzu casa. :p
-
October 31st, 2015 01:16 PM #3510
VinFast VF 3