Quote Originally Posted by djhao79 View Post
Same Idle problem with mine, pag naka Neutral or Park (engine running), nasa 1.2-1.3krpm. Culprit would be, IACV or servo. Pero will try to change muna yung o-ring ng IACV since napansin ko nung nilinis ng Mechanic ko, medyo manipis na, maybe thats why nagsu-suction pa ng air at tumataas ang idle. Pero pag di pa rin nadaan sa o-ring. I'll buy a surplus from Evangelista na lang. Try mo rin ipa-clean ang Fast Idle thermo valve mo, pwede ding marumi yun or clogged na. Sa akin kasi,nalinis na parehas yun ng mechanic ko but andun pa rin yung tumataas ang idle. So I had a second opinion from my ECU Technician and chineck nga rin nya yung servo ko, hayun...nakita nya nagsa-suction pa ng konting air (he used his finger to cover the 2 holes inside the throttle body, one at a time...so yung bandang itaas na hole once nakatakip, may umeescape pang air (it is interconnected with servo). While yung isang hole sa bandang ibaba which is interconnected with FITV, pag nakatakip yung hole, no air escapes). Meaning, may leak ang servo ko although gumagana pa naman sya. So naalala ko nga nung nilinis ang Servo ko noon, napansin ko nga na luma na yung o-ring. Di ko naman din kasi alam na pwdeng yun din ang possible culprit. Kesa magastusan ako ng malaki, Ill buy o-ring muna sa Honda Casa which is 92 pesos lang. Pero pag di pa rin umubra yun, surplus servo na lang bibilin ko. Hope this helps. Oh by the way, kung papalinis mo lang din ang servo, FITV..idamay mo na din ang Throttle body.


Try mo din magsearch sa Youtube on how to clean FITV or IACV. Dami mong makikitang technique and tips dun.

Goodluck!!
Just an update, I bought o-ring for IACV (servo) just yesterday from Honda Dasma. So far di na tumataas yung idling ko once naka-neutral or park either may load (aircon/radio/lights) or wala. Buti na lang di ako bumili dati ng surplus na servo since gumagana naman ang servo motor (IACV) kaya nagpalit na lang muna ako ng o-ring as recommended by my technician. Nung pinalitan kanina yung o-ring, malutong na nga at yun nga siguro ang culprit kumbakit tumataas up to 1.2-1.3k ang RPM once walang load ang oto then pag may load sya, nasa 700 lang ang RPM ko. Bago ko pinalagay yung o-ring (pinasuyo ko lang sa nagengine wash sa akin na ikabit ang o-ring), pinabugahan ko muna sa air compressor since nalinis naman yun last month ng carb cleaner. Just to make sure lang na malinis ulit kaya pinabugahan ko ng hangin saka nilagay ang o-ring. Damage fee ko lang sa o-ring...92 pesos only!! plus 50pesos na tip lang sa nagkabit. Thanks God at back to normal na ang RPM ko.

Hope this helps...thanks and God bless!!