Results 1 to 6 of 6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 16
June 24th, 2010 10:40 AM #1guys, i need help. my honda ESI is overheating. short drives lang, na-traffic ako one time, tapos nag-overheat na. naubos ang tubig sa radiator, pero kakalagay ko lang that morning.
now, pina-check ko na sa mechanic, ang sabi daw ay damage cylinder head, and humahalo ang oil sa tubig sa radiator. mausok din minsan ang muffler, at ang mabigat pa ay hirap mag-start lagi.
however, maaayos naman daw po ang sabi ng mechanic, top overhaul daw ang kailangan? medyo masakit sa bulsa ang singil. 25 thousand daw ang bayad. tama lang po ba ang price or masyado mataas? nagtataka po kasi ako kaya hingi muna ako ng advice sa inyo mga experts.
anyway, I'm thinking mag-upgrade na lang ako ng engine? ph16 ang engine nito ngayon, mas ok po kaya kung palitan ko ng d15b? kasi ang laki rin ng gastos sa top overhaul, parang nagpalit din ng engine. TIA po sa inyo.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 456
June 24th, 2010 12:00 PM #2Mahal ang quote sayo, ang top overhaul ay around 8k-13k depende kung saan mo ipapagawa at kung kilala mo ang mekaniko. Kung nasa Manila or QC area ka dalin mo sa Sprint sa Banawe area. Kung nasa Quezon Av, ka galing Quiapo, kumanan ka sa Banawe. Yung unang corner sa kanan nandun ang Sprint. Mahusay ang gawa at very reasonable ang presyo sa parts at labor. Punta ka lang ng maaga kasi madami nagpapagawa dun. Masasabi pa nila kung ano talaga ang sira at kung ano lang ang dapat ayusin.
-
June 24th, 2010 12:26 PM #3
Dalhin mo kay Speedyfix sa Shaw Blvd Mandaluyong near Puregold and Red Ribbon. Tsikoteer din si Boss Migs yung may-ari. Si Reynante ang chief mechanic. Hindi ka lolokohin dun.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 16
June 24th, 2010 02:04 PM #4salamat sa inputs sir. sorry i forgot. from sta.rosa laguna ako, I'm not familiar sa manila. pano po ba ang procedure ng top overhaul? sorry, noob here. ano po ba talaga ang ginagawa sa top overhaul at ganun kamahal?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2009
- Posts
- 163
June 25th, 2010 11:31 PM #5Bro,
share ko lang experience ko. mahal yan top overhaul 25k? hanap ka ung mapagkakatiwalaan na mekaniko hindi basta basta makina ng honda.ask ka advice from the guru d2 sa tsikot. pacheck mo maige ung kotse mo kung top overhaul nga lang gagawain kasi pagnagbukas ka ng makina dun muna makikita lahat ng sira especially kung may alog na piston xiempre kailangan gawin na iyon para isang trabaho lang...madami recommend shop dito tsikot bro, handa mo lang budget talaga then ung mapagkakatiwalaan na mekaniko ha..paestimate mo kung magkano aabutin just incase para may idea ka what to do.
madami tutulong dito bro sa tsikot wait ka advice
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 16
June 26th, 2010 01:44 PM #6thanks sir. medyo mahal nga, nagpaestimate ako sa kanya, 25-27k ang aabutin, top overhaul. halos palit lahat ng piyesa. ang laki ng labor, 8k labor pa lang.
pero, may isa pa po akong option. nagpa-estimate din po ako kung papalitan na lang ang engine, 45k kasama na labor. upgrade to d15b 3stage vtec.
kasi po gusto ko rin naman mag-upgrade ng engine, so naisip ko, why overhaul? kung mas ok yung d15b. about sa price naman po, 32k for the engine JDM surplus, and 12k labor. reasonable price po ba yung labor and engine? or baka natataga na po ako?
salamat po ulit!
BTW, yung mechanic po ay dating nag-work sa honda cars, so wala naman po problema. referred siya sa akin ng tito ko. talagang marunong sa honda. the problem is natataasan ako sa singil niya.
[ On the bright side, you know the back window is the rear end of the car. Lol By the way, i...
2020 Kia Sonet