D15a yan ang non-vtec engine, actually apat yan yun una ay single carbed engine, after nyan dual/twin carb at EFi PGM-Fi ay madalas makikita sa civic-EF at naunang civic-EG tapos ang non PGM-Fi pero EFi pa rin yan naman ang makikita mong madalas sa civic Esi na EG din na medyo malapit na sa 2nd batch ng civic-EG.

D15b yan naman ang VTEC kasi ang pagkaka-tune ng engine na yan ay ginamitan ng HONDA VTEC technology pati kanyang ECU or computer box kung kaya ang nakaprogram mismo sa main chips ng ECU nito ay VTEC din, makikita mo naman yan sa 2nd batch ng civic-EG1 and 4 JDM, EK at naunang VTEC-3.

ang D15b ay maraming klase pero lahat ito ay VTEC kahit pa walang nakasulat na VTEC sa makina nito ang totoo pa nga nyan ay meron pa ngang VTEC-E. ayon sa mga honda lovers ang ang pinaka magandang D15b-VTEC engine ay yun nanggaling ng civic-EG1 and 4 JDM dahil ito ay ang may pinakamalakas na horsepower (hp) sa lahat ng D15b ito ay nagtagtaglay ng 130 kung kaya't sa mga nagpapalagay ng D15b na makina eto ang pinipili.

kung ang mga civic-EG or itlog gaya ng bilugang hatchback at Esi ay naka-D15a palang hindi nyo na kelangan pang magpalit ng D15b na pang EG kasi papalitan nyo na lang ng ECU or computer box ng VTEC D15b na pang EG, pero kung gusto nyo naman na hi-compression ang makina mo palitan mo naman ito ng piston ring at heads na nanggaling sa makina na D15a na twin/dual carb kasi hi-compression ito.

ang D15b na pang EK makikilala mo ito sa pamamagitan ng intake throttle kasi ang butas ng intake nito ay mas mataba na ang sukat ng haba nito ang dalawang beses kung iku-compare mo sa pang EG na D15b. ang makina na D15b na galing sa EK ay hindi masyadong gusto ng mga D15b honda tuners kaya ang ginagawa ay pinapalitan nila ito ng intake throttle mula sa EG na vtec

sa mga naka D16a naman dahil kilalang mas mahina ang HP nito sa D15b ang dahil karamihan naman na mabibili mo ay na surplus japan, ginagawa naman ng iba ay pinapalitan din ito ng ECU or computer box na galing sa D15b ng civic na EG para mas maging effective ang pagiging 1.6 ng D16a. ang malakas na d16a yun ay ang d16a9 na mabibili mo lang sa EUROPE.