
Originally Posted by
arvs18
Good day, tanong lang po ako if normal lang yung na eexperience ko.
Yesterday kasi sobrang traffic sa area namin dahil sa road works.
Naisipan kong gamitin yung park mode para di na muna ako tumapak sa brakes, kasi 140 seconds din yung red light. Tapos nung aalisin ko na sa park mode, bali tinapakan ko muna yung brakes, nakarinig ako ng parang "tok" sound parang pag tina-tap mo yung plastic sa baba ng gear shifter.
Sinusundan ko yung tunog, linagay ko kamay ko sa bandang shifter, yung kung san yung mga P R N D S, pinatong ko kamay ko dun (nasa park mode pa din), tapos pinipindot pindot ko yung brakes, tumutunog yung "tok" sound, tapos nararamdaman ko yung vibration ng tok sound sa kung san nakalagay yung kamay ko.
Nangyayari lang po sya sa Park Mode, kaya naisip ko na din itanong dito if ako lang ba yung may situation na yun or ganun talaga sya. Bago ko ireport sa casa, baka kasi ganun naman talaga yun kasi park mode tapos brakes.
Salamat sa sasagot.