New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 6 of 9 FirstFirst ... 23456789 LastLast
Results 101 to 120 of 174
  1. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #101
    kahapon lang, sa tagaytay, may black na gm ambagal, oovertake ako, (sa may petron tapat ng davids) bigla ba naman kumabig, eh kalahati na nakapasok saken, dun tuloy ako napadaan sa gilid ng daan (di ko maalala term, yung gravel and soil) bunisinahan ko na nung papasok pa lang ako (bipbip) kaya nung kumabig bigla binabad ko na, aba binabaran pa ako. hangos. kundi ko lang kasama ma at kapatid ko, bibiglain ko ng brake yun habang nakababad at tutok sya saken.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #102
    I hate those public buses in major roads that overtake (take up the leftmost lane) and cut (then swerves to the right) fellow buses to get ahead of the line to pick up passengers.

  3. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #103
    Quote Originally Posted by 3ple4 View Post
    I hate those public buses in major roads that overtake (take up the leftmost lane) and cut (then swerves to the right) fellow buses to get ahead of the line to pick up passengers.
    madame ganyan sir, sa cavite pa lang ito ha. ikaw pa kakabig para lang makaiwas, basta maipasok nila ang overtake nila. though nakakatakot, gumigitna ako, i see to it na matatakot sya pag nakita nya nakagitna ako at hindi nya itinutuloy overtake nya, pag tumuloy pa rin, tumitigil ako with blasting horns and sabay sigaw pag tapat saken. ( pag alam kong wala iba mapapahamak maliban samen dalawa just incase na balasubasin nila ako, humaharanng ako, pero pag alam ko madame sakay, or if mapapahamak yung iba, di ko na hinaharang, binababaran ko lang ng busina at bright lights, swertehan na lang pag nakasabay ko sa hi way at di kame magkasalubong, ginigipit ko at madalas hindi ko pina oovertake AGAIN pag safe lang na gawin ko yun, and if pumalag at maghamon ng sapakan, then game. )

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    339
    #104
    Quote Originally Posted by slvrsrfr2301 View Post

    ang ngyari naman sakin, cavite din aguinaldo highway, papunta ako sa manila yun bus naman papuntang cavite. umiwas siya sa bus na nakahinto at kinain nya yung opposite lane habang paparating ako at nasa inner lane ako. parang walang pakelam porke bus siya, ako pa un iiwas. eh sa gulat ko na ang aga aga may gagago sakin na ganun, hindi ako umiwas at binabaran ko ng busina at high beam pero nag slow down ako at almost stopping. hinayaan ko siya na bumalik sa lane nya. nakakainit ng dugo talaga.

  5. Join Date
    May 2010
    Posts
    2,836
    #105
    nakaka buwisit nga mag maneho diyan sa cavite lalo na sa aguinaldo highway.

  6. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #106
    Have an experience diyan sa aguinaldo hiway, on the way ako punta silang cavite, may biglang huminto na bus sa opposite lane dahil magbaba ng pasahero, eto namang pick-up pinilit na mag overtake sa bus, sinakop niya yung lane ko, hindi man lang niya tinantya kung safe ba yung pag labas ng lane, dapat head-on kami parehas buti na lang naiwas ko pero inabot pa din yung gilid ko, hindi dapat basta lumalabas ng lane diyan sa aguinaldo hiway dahil pag maluwag mabibilis ang mga sasakyan

  7. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #107
    just today sa church, tatlo. Una yung escort na police mobile ng parada ng sto. Niņo, katapat na ng simbahan naka wang wang pa at kalakas lakas as if naman may makakadaan pa sa pagkakabalandra nya di na marinig yung misa. Hindi sa sinasabi kong bastos sila, pero yung respeto naman, simbahan at may misa. Pangalawa naman, l200 na blue na naka sound setup... Oo nga at di mo na tinapos misa, pero wag naman na nasa parking ka pa lang eh lagabagan na yang patugtog mo, di mo naman kailangan ipangalandakan na yang likod ng pick up mo ay speakers at subs lang, binusinahan ka na nung papasok sa parking at sinabihan ka pero wala ka pakialam, pasalamat ka nasa may pintuan ako at malayo sayo, mapapagsalitaan kita. Pangatlo. Oo at uwian na, pero wag ka magmadali, ayan inabot ng vios mo, sa pag shortcut mo di mo nakita yang malaking bato, naka angat ka tuloy ngayon. Sunday na sunday, andaming WALANG RESPETO.

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,119
    #108
    Quote Originally Posted by slvrsrfr2301 View Post
    Pangalawa naman, l200 na blue na naka sound setup... Oo nga at di mo na tinapos misa, pero wag naman na nasa parking ka pa lang eh lagabagan na yang patugtog mo, di mo naman kailangan ipangalandakan na yang likod ng pick up mo ay speakers at subs lang, binusinahan ka na nung papasok sa parking at sinabihan ka pero wala ka pakialam, pasalamat ka nasa may pintuan ako at malayo sayo, mapapagsalitaan kita.
    Baka daw boring yung mga kanta sa simbahan kaya na-bored sa misa at nagpa-bayo sa labas hehe

  9. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #109
    Quote Originally Posted by 3ple4 View Post
    Baka daw boring yung mga kanta sa simbahan kaya na-bored sa misa at nagpa-bayo sa labas hehe
    sabihin nating na bored sya, tama ba na magpatugtog sya ng dagundungan habang nasa parking lot ng simbahan? para yatang hindi tama. sa labas na lang sana, sa malayo.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #110
    Quote Originally Posted by SiRbossR View Post
    nakaka buwisit nga mag maneho diyan sa cavite lalo na sa aguinaldo highway.

    Bihirang-bihira na ako dumaraan diyan.... Kung dumaan man,- sa stretch na lang ng Silang to Tagaytay and back.... or, sa may Salitran to Dasmarinas and back...

    14.6K:dj:

  11. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #111
    Yesterday sa SLEX galing ako ng susana heights going to filinvest nasa rightmost lane ako when biglang may bus sa likod ko na nagfaflash ng ilaw niya. Akalain mo yun parang g*go nasa lane for slow vehicles na nga ako gusto pa ako patabihin . Ginawa ko lalo ko binagalan para mabuwisit siya tapos baba ako bintana and gave the bus driver the finger ayun lumipat ng lane tapos yung nasa unahan nanaman niya todo flash siya ng ilaw. Mga driver ng bus walang modo, Greenstar nga pala yung bus biyaheng LRT buendia.

  12. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    627
    #112
    Quote Originally Posted by Bin Diesel View Post
    Yesterday sa SLEX galing ako ng susana heights going to filinvest nasa rightmost lane ako when biglang may bus sa likod ko na nagfaflash ng ilaw niya. Akalain mo yun parang g*go nasa lane for slow vehicles na nga ako gusto pa ako patabihin . Ginawa ko lalo ko binagalan para mabuwisit siya tapos baba ako bintana and gave the bus driver the finger ayun lumipat ng lane tapos yung nasa unahan nanaman niya todo flash siya ng ilaw. Mga driver ng bus walang modo, Greenstar nga pala yung bus biyaheng LRT buendia.
    ahhh greenstar...

    hilig din manggitgit nyang mga mokong na yan!

    dinadaan sa laki. kahit businahan mo eh bale wala jan sa mga driver na yan.

    dami ko nang experiences sa mga yan na nangunguha ng lane nang di man lang sumisignal

    o kaya naman eh talagang nanggigipit yung tipong isa-sideswipe ka na halos.

    tsk tsk... problema, deadma lang mga highway patrol jan sa mga yan eh.

  13. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #113
    Quote Originally Posted by slvrsrfr2301 View Post
    just today sa church, tatlo. Una yung escort na police mobile ng parada ng sto. Niņo, katapat na ng simbahan naka wang wang pa at kalakas lakas as if naman may makakadaan pa sa pagkakabalandra nya di na marinig yung misa. Hindi sa sinasabi kong bastos sila, pero yung respeto naman, simbahan at may misa. Pangalawa naman, l200 na blue na naka sound setup... Oo nga at di mo na tinapos misa, pero wag naman na nasa parking ka pa lang eh lagabagan na yang patugtog mo, di mo naman kailangan ipangalandakan na yang likod ng pick up mo ay speakers at subs lang, binusinahan ka na nung papasok sa parking at sinabihan ka pero wala ka pakialam, pasalamat ka nasa may pintuan ako at malayo sayo, mapapagsalitaan kita. Pangatlo. Oo at uwian na, pero wag ka magmadali, ayan inabot ng vios mo, sa pag shortcut mo di mo nakita yang malaking bato, naka angat ka tuloy ngayon. Sunday na sunday, andaming WALANG RESPETO.

    Dami Bro a, siniwalat mo na sama ng loob mo!
    Ganyan talaga, daming differences nating mga driver. kay pag pikon ka, talo ka o kaya mawala concentration mo sa pagmamaneho.

    Ewan ba, minsan nga minor road courtesy lang e di maibigay ng kapwa nating driver, yung iba naman nagtatanga-tangahan at yung iba e tanga talaga... (hehehe)

    Be courteous at be considerate na rin mga Tsikoters para iwas aberya!

  14. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    558
    #114
    Quote Originally Posted by Noel Salisipan View Post
    Dami Bro a, siniwalat mo na sama ng loob mo!
    Ganyan talaga, daming differences nating mga driver. kay pag pikon ka, talo ka o kaya mawala concentration mo sa pagmamaneho.

    Ewan ba, minsan nga minor road courtesy lang e di maibigay ng kapwa nating driver, yung iba naman nagtatanga-tangahan at yung iba e tanga talaga... (hehehe)

    Be courteous at be considerate na rin mga Tsikoters para iwas aberya!
    di ko sana papansinin eh, kaso nakakabastos eh. kanina naman, nagbyahe lang ako, "SAFE WAY" bus, byaheng pasay rotonda, traffic sa intersection pasok na jeep namen, aba, kinabig pa jeep na sinasakyan ko, sabay banat ng sakay ng pasahero. SA GITNA NG INTERSECTION

  15. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,725
    #115
    i'm starting to loose hope here in ph.. wala na yata talaga magbabago ang mga pinoy eh palubog na tuluyan sa kabobohan at katangahan... saan ba maganda mag migrate ngaun?? sa ibang bansa ko na lang gagamitin yung talents ko hehehe wag na dito sa pilipinas.. wala na tayong pag asa... yung mga may private cars na may wang wang dati sumunod naman kay PNOY nung manawagan ng pagbabago... pero yung mga mahihirap na PUV drivers... kahit anong pakiusap wala....

  16. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #116
    Quote Originally Posted by yapoy86 View Post
    i'm starting to loose hope here in ph.. wala na yata talaga magbabago ang mga pinoy eh palubog na tuluyan sa kabobohan at katangahan... saan ba maganda mag migrate ngaun?? sa ibang bansa ko na lang gagamitin yung talents ko hehehe wag na dito sa pilipinas.. wala na tayong pag asa... yung mga may private cars na may wang wang dati sumunod naman kay PNOY nung manawagan ng pagbabago... pero yung mga mahihirap na PUV drivers... kahit anong pakiusap wala....

    Alam ko talented mga Pinoy, same level of education at ikumpara mo knowledge at skills e ibang-iba tayo compare sa mga ibang lahi. kaya lang pagdating sa sarili nating bansa mukhang iba rin attitude natin!

    I thought changes for our country starts with "I", just like loosing hope it start also with "I"!

  17. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #117
    Yesterday, almost passing the intersection while the PUV stops right after the corner & it blocks our way.
    Isang busina lang, natauhan yata yung driver at biglang umandar at saka tumabi na mas malayo sa intersection.

    Buti na lang tumabi at nakuha sa isang busina, kung hindi e makakarinig siya ng matagal na busina na medyo eskandalo na dating.

    Ganun yata ibang driver, laging kailangan mong paalalahanan at gisingin pag tutulog-tulog sa daan... tsk tst tsk

  18. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #118
    Not only the PUV's should be blame, also the commuters,.... kase kung saan bawal mag sakay andun naka kumpol ang mga pasehero, ayaw maglakad papunta sa tamang sakayan, kse yung tamang sakayan malayo minsan eh konte or walang pasahero eh magtake ng risk ang PUV driver para mag pick up sa bawal kung walang enforcer makakalusot, kaya diyan nagsisimula ang traffic

  19. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    51
    #119
    I think there should be a wall or fence instead of yellow line to separate puv from private vehicles.

  20. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    171
    #120
    Yung mga palaging apurado or nagmamadali... And then hindi nag oobserve kung ano nga ba nangyayari. This is in cases wherein someone is going to turn right or turn left in a two way street. Magbibigay na yung directly na kasunod nung turning car. Pero yung nasa likod, magtry pa magovertake sa left or sa right. I saw 2 accidents dahil dito. And then I was personally involved sa accident.

    Yung first one, a car was turning left so nag aantay sya na magclear yung mga kasalubong. So medyo build up traffic sa likod mga around 4 cars waiting na. Then the 5th car, nagovertake immediately nung makarating sya sa traffic. Ayun, sapul sa car na turning left.

    Yung 2nd instance naman sa cousin ko. Turning right naman sya papasok ng eskinita going sa house nila. Nakasignal na sya na turning right. Yung kasunod nya na Jeep, nagtry magovertake sa kanan din! Sapul din! Wasak pinto ng car ng cousin ko. Akala daw ng driver turning left yung cousin ko kasi may gas station sa left side. Hello, check the signal light!

    Yung sa akin naman, andun sa isa thread ko.. Turning right din ako. Nagbigay nasa likod ko pero yung nasa likod nya nag overtake. May incoming vehicle so bumalik sya sa lane kaya nabangga nya ako.

Page 6 of 9 FirstFirst ... 23456789 LastLast
Road Discourtesy