just today sa church, tatlo. Una yung escort na police mobile ng parada ng sto. Niņo, katapat na ng simbahan naka wang wang pa at kalakas lakas as if naman may makakadaan pa sa pagkakabalandra nya di na marinig yung misa. Hindi sa sinasabi kong bastos sila, pero yung respeto naman, simbahan at may misa. Pangalawa naman, l200 na blue na naka sound setup... Oo nga at di mo na tinapos misa, pero wag naman na nasa parking ka pa lang eh lagabagan na yang patugtog mo, di mo naman kailangan ipangalandakan na yang likod ng pick up mo ay speakers at subs lang, binusinahan ka na nung papasok sa parking at sinabihan ka pero wala ka pakialam, pasalamat ka nasa may pintuan ako at malayo sayo, mapapagsalitaan kita. Pangatlo. Oo at uwian na, pero wag ka magmadali, ayan inabot ng vios mo, sa pag shortcut mo di mo nakita yang malaking bato, naka angat ka tuloy ngayon. Sunday na sunday, andaming WALANG RESPETO.