i'm an anesthesiologist. often times, i have to rush to the hospital kapag may surgical emergency. ang hirap. my lights and blinkers are usually on. pero every once in a while, may highschool or college kid na kakarerahin ka. akala nila gusto mo ng gauge. as in sa stoplight, umiiyak gulong nila sa katabing lane. lalo na kung madaling araw at maluwag ang kalye.

dagdag pa: aside from jeepneys, taxis, buses.. isama mo pa ang tricycles and pedicabs. lalo na pedicabs. kelangan mo businahan para tumabi kasi sobrang bagal talaga ng pedicab. pero kapag binusinahan mo, minsan mapapansin mo, lalo pa nila babagalan. at isama mo pa ang mga tumatawid. may mga lalaki na kapag binusinahan mo, lalo pa nila babagalan tumawid. (i have to make an exception: napansin ko, karamihan ng mga ganito puro lalaki. yung mga babae naman tumatabi kapag binusinahan mo.) there was this one time na nagmamadali ako pumunta sa hospital at yung lalaki na sobrang bagal tumawid sa kalye, nang binusinahan ko, itinaas ang tshirt niya para ipakita na may baril siyang nakasukbit sa jeans niya. ewan kung totoong baril yun.