New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 31

Hybrid View

  1. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #1
    Not really sure what to call them. But I would just like to ask you guys about them.

    Dito kasi sa Pampanga, dahil most of the time free ang parking, merong mga boys na nagtatraffic sa iyo sa parking, tapos mageexpect ng tip.

    Nagbibigay ba kayo? Magkano?

    Ako kasi, naiinis lang ako sa kanila, most of the time kasi, wala naman silang naitutulong. Meron pa nga, pipito lang, at mag-wave, mag-expect na ng tip, eh dumeretso ka lang naman.

    Ako lang ba may ganyan, dahil kuripot lang talaga ako?

    What do you guys think?

  2. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,114
    #2
    madami ganyan..

    Kung di nakakatulong wag bigyan.

  3. Join Date
    Mar 2014
    Posts
    5,975
    #3
    Pag bigyan mo na. Piso-piso lang naman

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #4
    Pag nasa loob ako ng sasakyan at may mga ganyan, di na ko nagbibigay kasi andoon naman ako sa loob para magbantay ng sasakyan ko at sandali lang naman ako pag ganun. Pero kung lets say iiwan ko yun sasakyan ng medyo matagal at may mga parking boys, nag-aabot ako kahit 5 o 10 petot. Pero kung wala akong madatnang parking boys pag nagpark ako at biglang may susulpot na parking boy pag paalis na ko, di ko sila binibigyan. Malalaman mo kasi kung sino yun totoong parking boy sa tao na ang habol lang ay barya lang

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #5
    Sa akin it depends on the place.

    Sa Commonwealth Market kami namamalengke and I always give to those parking boys kahit wala naman silang naitutulong minsan. I give 5, 6 pesos, 8 pesos max. Natatandaan kasi nila ung vehicle mo and if you always go to that place, baka sa next na balik mo, gasgasan nila ung car mo.

    Pero sa ibang areas, hindi na.

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #6
    Depende kung makakatulong talaga yun tipong paatras ako lalabas, madaming sasakyan / tao i'll spare them some change

    pero kung nonsense lang yung ginagawa nila i don't. Kaya nga i always make it a poing na paatras ako mag park para hindi ako mahirapan lumabas.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    435
    #7
    most of the time, i dont give them (97%), i only give, kapag like what cast said, paatras na madami tao. I think kaya madami, ganyang parking boys kasi madami ang nagbibigay, kaya consider na nilang hanapbuhay yun paghingi ng limos sa parking.

  8. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #8
    Me 99 percent of the time nag aabot ako... 5-20 pesos..

  9. Join Date
    Nov 2013
    Posts
    2,077
    #9
    Nag aabot ako kapag naka tulong talaga. Kung clear ang daanan at wala naman pinarang sasakyan para makadaan ako, hindi.

  10. Join Date
    Mar 2014
    Posts
    5,975
    #10
    They used to be called watch your car boys. I call them snatch your car boys. Pwede kasing lookout & surveillance ng bukas kotse gang. Sa Parañaqure, they have municipal ID's. I'd rather give them kasi nga, baka matandaan ako

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Parking Lot Boys