New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 31
  1. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #1
    Not really sure what to call them. But I would just like to ask you guys about them.

    Dito kasi sa Pampanga, dahil most of the time free ang parking, merong mga boys na nagtatraffic sa iyo sa parking, tapos mageexpect ng tip.

    Nagbibigay ba kayo? Magkano?

    Ako kasi, naiinis lang ako sa kanila, most of the time kasi, wala naman silang naitutulong. Meron pa nga, pipito lang, at mag-wave, mag-expect na ng tip, eh dumeretso ka lang naman.

    Ako lang ba may ganyan, dahil kuripot lang talaga ako?

    What do you guys think?

  2. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,120
    #2
    madami ganyan..

    Kung di nakakatulong wag bigyan.

  3. Join Date
    Mar 2014
    Posts
    5,975
    #3
    Pag bigyan mo na. Piso-piso lang naman

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #4
    Pag nasa loob ako ng sasakyan at may mga ganyan, di na ko nagbibigay kasi andoon naman ako sa loob para magbantay ng sasakyan ko at sandali lang naman ako pag ganun. Pero kung lets say iiwan ko yun sasakyan ng medyo matagal at may mga parking boys, nag-aabot ako kahit 5 o 10 petot. Pero kung wala akong madatnang parking boys pag nagpark ako at biglang may susulpot na parking boy pag paalis na ko, di ko sila binibigyan. Malalaman mo kasi kung sino yun totoong parking boy sa tao na ang habol lang ay barya lang

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    1,557
    #5
    Sa akin it depends on the place.

    Sa Commonwealth Market kami namamalengke and I always give to those parking boys kahit wala naman silang naitutulong minsan. I give 5, 6 pesos, 8 pesos max. Natatandaan kasi nila ung vehicle mo and if you always go to that place, baka sa next na balik mo, gasgasan nila ung car mo.

    Pero sa ibang areas, hindi na.

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #6
    Depende kung makakatulong talaga yun tipong paatras ako lalabas, madaming sasakyan / tao i'll spare them some change

    pero kung nonsense lang yung ginagawa nila i don't. Kaya nga i always make it a poing na paatras ako mag park para hindi ako mahirapan lumabas.

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    451
    #7
    most of the time, i dont give them (97%), i only give, kapag like what cast said, paatras na madami tao. I think kaya madami, ganyang parking boys kasi madami ang nagbibigay, kaya consider na nilang hanapbuhay yun paghingi ng limos sa parking.

  8. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #8
    kuya bantay ko yan ha?

    oo naka bantay mga yan, hindi sa oto mo. nakabantay sila sayo kung pabalik ka na kasi kukubra na sila

  9. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #9
    Yan ang mahirap dyan eh, yung magbibigay ka, kasi tatandaan nila yung sasakyan. Parang extortion na rin noh?

    Tapos yung mga bata, instead na makatulong, eh pahirap pa pag minsan, eh kung masagasaan pa yan?

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #10
    pag regular ako dun yes nagbibigay ako, most of the time 10/15/20 pesos depends on how full the parking is. kasi pag regular ka kilala na nila kotse mo at pag puno ang parking malayo ka pa lang naka-reserve na parking slot mo. meron sila ilalagay na "reserve" sign para di maka-park ang iba o sasabihin nila may dadating na "mayari ng building/boss/ etc." pero tatawagin ka nila para dun mag park. they also make it a point that you park nearest the entrance.

    so yes, depende sa service.

    slapz brown ba yung H7 mo?

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #11
    nagbibigay din ako.... di ko naman siguro ikakahirap ang limang piso.
    kesa naman gasgasan oto ko.

  12. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #12
    <---- white boss yebs..

    Saan kaba nagpapark? Papart time ako.. ehehe

  13. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #13
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    nagbibigay din ako.... di ko naman siguro ikakahirap ang limang piso.
    kesa naman gasgasan oto ko.
    yung iba nga, magagalit kapag 5 lang. Ehehe

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #14
    Quote Originally Posted by slapz View Post
    <---- white boss yebs..

    Saan kaba nagpapark? Papart time ako.. ehehe
    oo nga pala may picture haha! kala ko brown kasi 3 weeks ago may nakasabay ako nag-exit sa mabalacat binusinahan ko kala ko ikaw.

  15. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #15
    Me 99 percent of the time nag aabot ako... 5-20 pesos..

  16. Join Date
    May 2013
    Posts
    213
    #16
    inis ako sa mga yan. napaka petiks ng trabaho, wala naman naitutulong. dapat talaga i-ban ang mga yan dahil minsan sila pa ang kakutsaba ng mga magnanakaw.

    nagbibigay lang ako kapag:
    1. binabalikan ko ang lugar - natatandaan nila sino yun hindi nagbibigay. mas mura ang P5-P10 kesa magasgasan kotse
    2. kapag nakatulong talaga like hinawi yun tao habang umaatras, hinaharang yun katawan sa traffic.

    kadalasan wala naman sila ginagawa, kung mapaoansin nyo, sila lang yun mga nakatambay, kapag natyempuhan ka na magpaparada, instant delihensya na. napaka convenient lintek. iniisip ko nga din gawin sideline yan pag weekends eh.

  17. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #17
    i agree.. kung parati ka sa lugar.. magbigay ka kahit 5 pesos.. kasi mamaya pag balik mo dyan matandaan ka.. eh kung ano pa gawin sa sasakyan mo..

    pero kung madalang or one time ka lang naman sa lugar at wala naman naitulong... wag ka na magbigay.. pero kung nakakatulong naman.. bigyan mo na din..

  18. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    967
    #18
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    oo nga pala may picture haha! kala ko brown kasi 3 weeks ago may nakasabay ako nag-exit sa mabalacat binusinahan ko kala ko ikaw.
    anyway, if ever, hindi na rin ako ang nagddrive nung H7. Iba na pang trabaho ko ngayon, kay misis na yung Haima7.

    BTT, may nakaexperience naba dito na hindi niyo binigyan, at nagalit?

  19. Join Date
    Nov 2013
    Posts
    2,077
    #19
    Nag aabot ako kapag naka tulong talaga. Kung clear ang daanan at wala naman pinarang sasakyan para makadaan ako, hindi.

  20. Join Date
    Mar 2014
    Posts
    5,975
    #20
    They used to be called watch your car boys. I call them snatch your car boys. Pwede kasing lookout & surveillance ng bukas kotse gang. Sa Parañaqure, they have municipal ID's. I'd rather give them kasi nga, baka matandaan ako

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Parking Lot Boys