Mayor Lim: Magmamatigas rin kami na ipatutupad ‘yung batas dahil nasa batas natin under Republic Act 8947 ‘yung Clean Air Act ay ayaw kilalanin at ayaw irehistro ng LTO ‘yung mga kuliglig. Kami naman ang sinasabi namin sa kanila na dahil ayaw kayong irehistro ng pamahalaan ng LTO, tanggalin lang niyo ‘yung motor na pambangka ‘yun eh. Papayagan namin kayo, compared ninyo sa de-padyak. Dahil ‘yung de-padyak at de-motor ay rehistrado ‘yun at pinapayagan.
Isa pa, mayroon tayong existing ordinance na dapat ang mga tricycle ay hindi puwedeng pumasada sa main thoroughfare. Dapat sa mga side streets lamang at hindi nila puwedeng gawing terminal ang mga kanto.
Ang problema, noong isang taon pa namin sila pinapangaralan, pinagsasabihan, nakikiusap na marami na'ng reklamo. Kung puwede lang ay sumunod sila sa trapiko. Ang problema kapag binabati sila ng mga naglalakad o mga motorista, nagagalit sila at inaaway pa.
Paano ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon? Noon ngang Oktubre 1, dapat ipatupad na 'yang mga batas na 'yan eh, national ang ordinance. Nakiusap sila. Kaya pumayag naman kami up to December 1. Sabi namin, hanggang dito na lang, December 1. Ang problema mayroong mga magagaling na tao na ang gusto manggulo. Inudyukan sila na mag-rally, mag-demonstrate para bang ibig sabihin, kahit lumalabas na sa batas ngayon, pag-iibayuhin pa nila ang paglabag sa batas at hindi na sila aaksyunan ng mga pulis, mali ‘yon.
Kaya ngayon, hihigpitan din namin lalo ang pagpapatupad sa batas dahil nakita na ng mga tao kung anong perhuwisyo ang ginawa nila. Nagkatrapik-trapik dito sa Ermita, Malate. Nagkabuhol-buhol ang traffic dahil hinarang nila ‘yung mga kotse tapos gumawa pa sila ng mga karahasan. We have to restore law and order