Dapat yata bigyan na ng pansin ng LTO, MMDA & PNP ang pagdami ng mga ganitong klaseng sasakyan. Nung una sidecar, ngayon biglang dumami ito at hindi maawat, super perwisyo na sa daan. Ngayon, may kamag anak na ito na motorized. Baka sa susunod pirated na 4 wheel vehicle na ang makita natin sa daan. Grabe anarchy in the streets of Metro Manila na ba? Pwede na kahit ano at kahit sino ang magmaneho at mangwalanghiya sa daan? Wow sayang naman ang road users tax na binabayad natin mga legitimate driving license holders & car owners. Paging mga autoridad, magising naman kayo! Singilin nyo rin kaya ng road users tax ang mga yan, tutal mas madalas pa sila na nasa kalye kesa sa amin. Ako office bahay lang, e sila ginagawa pa nilang parking yun kalsada. Dapat siguro sa kanila ipatong ang karagdagan buwis na ito, hindi naman siguro human rights violation or anti poor campaign yun na lagi nalang nila binabandera pag may mga bagong batas na ipapatupad. Tingnan ko lang kung hindi parang bula na nagsiwala ang mga yan.