bakit hindi hinuhuli ng mga highway operators eh kalat mga security pati CCTV?
bakit hindi hinuhuli ng mga highway operators eh kalat mga security pati CCTV?
Dame ganyan sa nlex... Ang bagal pero nasa fast lane... Tapos madalas kahit flash ka na ayaw padin mag give way.... Sa tabi tabi lang ata natuto magmaneho... Every time na mag nlex ako that fast lane is riddled with slow vehicles na arrogante at feeling mabilis...
The slow pokes in the fast lane are annoying enough, they really grind my gears when they keep in the middle of the lanes.
Sa lahat yata ng highways ganyan. Maiinis ka lang pag pinansin mo. Lalo sa mga drivers na hindi yata nila alam na mabagal ang sasakyan nila. Nakakabwisit yung ikaw sumusunod sa batas tapos marami ang violators. Pero kahit ganun sinusunod ko na lang din traffic rules.
kagabi naman, nasa fast lane ako dahil kakaovertake ko lang, etong vios sa likod ko flasher ng flasher na sobrang layo pa, kairita. nagmove ako dahil pabalik na ako sa 2nd lane at di dahil sa pagfflash mo! paglampas niya di naman siya nakalayo.
i remember my friend though, medyo gago siya. siya yung isa sa mga mahilig magbabad sa overtaking lane kahit hanggang 100 kph lang takbo niya. tapos pag finlash siya ng makulit, papadaanin niya at gumaganti siya sa pagflash. kups pero minsan kasi nakakirita yung pagflash. pwede namang isahan o dalawahang flash lang.
Oo maraming ganyan. Feeling mabilis, eh halos parehas lang naman kayo ng speed. Meron pa ngang tumututok as in parang bumper to bumper na parang babanggain ka pag di ka tumabi.
Problema din, maraming non-sense sa e-way!
Hindi naman na kailangang mag flash yung sa likod mo kung naramdaman mo na malayo pa lang e mabilis na takbo niya, give way na agad pag nasa overtaking lane.
Yung iba namang mabibilis, hindi pa nakikita yung sitwasyon sa harap na gipitan e flash na ng flash.
Sa akin, pakiramdaman lang! Kung magbibigay e di ok, pero pag hindi at may ibang posibleng daan e lipat na lang. Pag no other way, 1 to 2 flash, kasunod busina na.
halos everyday ako sa nlex maliban lang sa weekend minsan.dami kong nakikitang ganyan nagbabad sa fastlane..ang gawa ko pag ioovertake ko at d tatabi dko bubusinahan kundi tail gate ko lang sya with caution hangang sa tumabi, minsan binibilisan nila pero halos kadalasan eh tumatabi rin naman hehehe..pag overtake ko pupnta ulit ako sa middle lane, sabi kasi ng barkada kong nasa nlex eh pag nagbabad ka ng fast lane ng more than 10 mins eh matitikitan ka lalo pag ang byahe mo eh from end to end..meaning balintawak to dau or vice versa
this doesn't really ruin my day. I do like over-taking... its fun.Nakakasar lang pag lahat ng lane na boxout ka! Pag ganun hintay na lng ng opening then off my merry way.
Sa SCTEX yun mga nagbababad sa fast lane do giveway to faster cars. Must be the boring open road, they have time to look at their rear view mirrors.
araw araw ako dyan sa NLEX dami na ko nakitang arogante magmaneho, nakita ng pila sa fast lane at umoovertake lahat sa truck na mabagal na nasa right then bigla bigla may susulpot sa right side mo na car (brand new) parang suicide i-cut ka, may rules naman sa speed meron lang talagang mangilan ngilan na pakiramdam nila stunt driver sila or sadyang ihing ihi na siguro :D..sana lang kung gusto nila pakamatay wag magdadamay ng iba, simple lang ang rules max speed 100 kph min speed 60 kph, unless di sila marunong magbasa di nila maintindihan nga un :D
Ako tinututukan ko sila with my 8k hids naka telescopic kaya kahit naka high bulag sila gusto ko yung headlight sa montero parang spotlight yung high beam tatabi talaga sila
Pag manhid at ngengot talaga, wa-epek ang ilaw.
Meron ako na-encounter na ganyan, may kasama pang busina, ayaw talaga tumabi. Pagka-overtake ko sabay menor, ayun saka lumipat sa kabilang lane at nag-preno pa talaga para hindi na ako mabuntutan.
Naramdaman siguro na naasar talaga ako!
(libre naman kasi ang harap at kanan n'ya, ewan ba't sa e-way pa gustong mag day-dreaming.)
Ganyan din ako nung minsang pauwi at pagod na, national road naman, at maganda yung mga car na 2 sa unahan at may truck pa.
Parang convoy takbo namin 70kph, kabubuntot ko sa dalawang kotse para mauna sila mag-overtake e hindi nangyari. Isang bayan na ang nakalampas ganun pa rin set-up.
Mukhang papatay-patay mga driver nito, pagka-overtake ko meron palang owner sa pinaka-unahan, tatang ang nada-drive. Hindi maka-overtake yung truck kasi alanganin yata sya.
Yung dalawang kotse na na-overtakan ko, natauhan at nagovertake na rin pagka-overtake ko sa kanila.
Pag ganung nakisunod ka sa agos, mamamalayan mo, pakaang-kaang ka na rin!hehehe