Ganyan din ako nung minsang pauwi at pagod na, national road naman, at maganda yung mga car na 2 sa unahan at may truck pa.
Parang convoy takbo namin 70kph, kabubuntot ko sa dalawang kotse para mauna sila mag-overtake e hindi nangyari. Isang bayan na ang nakalampas ganun pa rin set-up.
Mukhang papatay-patay mga driver nito, pagka-overtake ko meron palang owner sa pinaka-unahan, tatang ang nada-drive. Hindi maka-overtake yung truck kasi alanganin yata sya.
Yung dalawang kotse na na-overtakan ko, natauhan at nagovertake na rin pagka-overtake ko sa kanila.
Pag ganung nakisunod ka sa agos, mamamalayan mo, pakaang-kaang ka na rin!hehehe





Reply With Quote
