guys, para maiba naman, i would like to commend the mmda people at edsa quezon avenue for helping me out last night when my car stalled and floodwaters are getting high.

special thanks to a certain mr. casimiro and his gang.

at around 9 pm last night sept.9, i was going to fairview when i got caught in a traffic at edsa-quezon ave. yung sa ilalim ng tulay. kaso dahil dun sa buhos ng ulan, bigla tumaas ang baha. tumirik ang kotse ko sa gitna ng daan. buti na lang, nandun ang mga taga mmda at tinulak ang kotse ko papunta dun sa parang service bay at tinulungan ako ipastart yung kotse.

guys, imagine, ang taas na ng baha tapos lumusom sila sa baha para lang itulak ang kotse ko at itabi to safety. yung iba pa sa kanila wala man lang boots na suot pero lumusom pa din sa baha.

what surprised me the most is hindi man lang nila ako hiningian ng kahit ano. and they were even happy to help me. they also told me na wag na daw muna ako tumuloy sa circle kasi baha na daw dun at mas safe daw ako dun sa ilalim ng tulay at magstay na lang daw muna ako. nung di ako nagstay, tinuro din nila sa akin kung saan ako pwede pumunta na hindi bahain at tinulungan ako pabalik sa edsa.in the end, i gave them a tip na lang kahit pang-kape na lang.

until now, di ko alam what would happen if they were not around to help me.

i gave them my word that i would say something nice about them for helping me out. and now i am.

guys, alam nyo ba email ni bayani or mmda hotline? these guys needs commendation. i want to email mr. fernando para naman alam nya na his people are doing great things in helping other people para maiba naman.