Kausap ko isang friend ko na may kotse na binebenta. He said that he had a buyer pero siympre pina check ng buyer niya sa mechanic niya ang unit. Sabi ng friend ko "okay" kasi gusto niya na confident ang buyer na alam kung ano ang condisyon ng unit. Tapos nung pinapa check sabi ng mechanic sa friend ko "bos paano naman kami pag nabenta yan" implying a commission for him. Alam ko na mahirap lang tayo sa pinas pero diba parang weird yon? Di naman ang mechanic ang nagdala ng buyer to ask for an agent's commish. Tapos di ba magiging conflict of interest yan since the mechanic will try to make sure the unit is sold so he gets a commission?
Tapos hirit pa ng mechanic sa friend ko. "may mga kaibigan na di dapat niloloko at may iba na pwedeng lokohin. Mabait kayo sa 'kin kaya di kita lolokohin." Sabi ko sa friend ko "ba't mo masasabi na hindi ka lolokohin? o yung buyer mo for that matter?"
Ganun ba talaga sa pag benta ng kotse lahat may commission? Kasi kung di rin nabigyan ng kaibigan ko pwede rin siraan siya at yung kotse diba?


Reply With Quote

