New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: What does the mechanic deserve?

Voters
9. You may not vote on this poll
  • A commission

    0 0%
  • Nothing

    7 77.78%
  • A punishment

    2 22.22%
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 22
  1. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    230
    #1
    Kausap ko isang friend ko na may kotse na binebenta. He said that he had a buyer pero siympre pina check ng buyer niya sa mechanic niya ang unit. Sabi ng friend ko "okay" kasi gusto niya na confident ang buyer na alam kung ano ang condisyon ng unit. Tapos nung pinapa check sabi ng mechanic sa friend ko "bos paano naman kami pag nabenta yan" implying a commission for him. Alam ko na mahirap lang tayo sa pinas pero diba parang weird yon? Di naman ang mechanic ang nagdala ng buyer to ask for an agent's commish. Tapos di ba magiging conflict of interest yan since the mechanic will try to make sure the unit is sold so he gets a commission?

    Tapos hirit pa ng mechanic sa friend ko. "may mga kaibigan na di dapat niloloko at may iba na pwedeng lokohin. Mabait kayo sa 'kin kaya di kita lolokohin." Sabi ko sa friend ko "ba't mo masasabi na hindi ka lolokohin? o yung buyer mo for that matter?"

    Ganun ba talaga sa pag benta ng kotse lahat may commission? Kasi kung di rin nabigyan ng kaibigan ko pwede rin siraan siya at yung kotse diba?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #2
    may mga kilala rin akong ganyan. porke pinakilala ka sa buyer, hihingan ka ng commission. pambihira nga naman
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #3
    ha!? hinde ko maintindihan yun post mo dude.....hehehe
    sino ba may kakilala sa mechanic? yun buyer or seller?

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,640
    #4
    Nasabi yan ng mechanic maski andun din yung buyer na kakilala ng mechanic?? mukhang malabo ata....


    WBR,

  5. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #5
    ang pagkaintindi ko:

    yun mechanic, kakilala ng buyer. then yun mechanic nagtatanong indirectly about his "cut" in case mabenta na yun car sa buyer. parang pwedeng palabasin ng mechanic na "ok" naman yun koche para sure na mabenta na, with high recommendation pa kuno.

    that's how i understand it. tama kaya? =) hehe

  6. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #6
    ^^^ if this is the case nga pala, what's your biz with the mechanic, eh hatak ng buyer un eh. edi sila ang magsingilan. cuz naturally the buyer would give something or abutan ng onti for consultation. he should not stand as a salesman of the seller. mautak din sya pero sa panlinlang nga lang...tsk

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    215
    #7
    i would look for a different mechanic if i want to real score on the car you are buying. kung may interest sya sa pagbenta ng car, siguradong high praises siya sa auto kahit na may alam siyang pangit, siyempre pera lang habol niya e.

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    74
    #8
    Pre,

    Kung talagang maayos pa yung auto mabebenta yan regardless. Hanap nalang siya ng ibang buyer, the transaction is now toxic kasi it is held hostage by the say so of a mechanic.

  9. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #9
    enterprising mechanic hehehe. evolving na sila.

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #10
    dalin nyo ke speedyfix hehehe :D

  11. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #11
    Di ko naintindihan ang buong kwento kung sino may kakilala kay mechanic kung si buyer or si owner... pero eto na lang si mechanic wala dapat commission, professional fee lang dapat ibigay sa kanya sa paginspect at pagbigay ng findings nya sa 2nd hand na kotse.

  12. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #12
    Mas maganda nyan dalin nyo na lang sa isang shop tapos ang usapan. Syempre random shop para hindi biased ang opinion

  13. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    230
    #13
    Quote Originally Posted by jundogg View Post
    ang pagkaintindi ko:

    yun mechanic, kakilala ng buyer. then yun mechanic nagtatanong indirectly about his "cut" in case mabenta na yun car sa buyer. parang pwedeng palabasin ng mechanic na "ok" naman yun koche para sure na mabenta na, with high recommendation pa kuno.

    that's how i understand it. tama kaya? =) hehe
    sorry po sa late reply pero oo tama ang pag kaintindi niyo.

  14. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    230
    #14
    Sorry clarify ko po ang story.

    Okay so yung friend ko nag pa ads ng kotse. May buyer na nag respond at possibly interested. Sabi ng buyer sa friend ko i-papa check niya sa mechanic niya. Sabi ng friend ko the seller, "okay."

    Ngayon dumating ang mechanic to inspect. Wala kasi ang buyer dahil busy ata. Binulong ng mechanic sa friend ko ang implied "cut" na implied could help appraisal. Di man lang ang mechanic ang nagdala ng buyer kaya di agent fee diba? Kasi public ads at buyer contacted seller directly.

    Addition din pala. Sabi ng friend ko na lait pa ng mechanic yung isang kotse niya sa garahe. Sabi kailangan ayusin din sa shop nila. Salestalk kaya? Eh mejo na turn off na ang friend ko sa ugali ng tao. Nan lait pa at ganun.

  15. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    20
    #15
    Go find another buyer...

  16. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #16
    dapat pinachecheck sa shop or mechanic na hindi kakilala ng both parties. at dapat, walang alam ang shop or mechanic na pinapacheck ito para maibenta para sure na hindi mang aabuso ang shop or mechanic in that case.

  17. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    78
    #17
    The mechanic was there to make some easy money. If your friend agrees to pay him then the mechanic will give a positive feedback to the buyer to ensure that the sale pushes through, otherwise, the mechanic will just simply give negative feedback to discourage the buyer on closing the transaction. Probably most of the posters here are right, go find another buyer. Another option is to discretely to tell the buyer what his mechanic was proposing.

  18. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #18
    Quote Originally Posted by wally View Post
    Pre,

    Kung talagang maayos pa yung auto mabebenta yan regardless. Hanap nalang siya ng ibang buyer, the transaction is now toxic kasi it is held hostage by the say so of a mechanic.
    Agree here.... Hindi na healthy ang discussion at relasyon ninyo dahil nilason na on the side ng mekanikong switik na iyon.....

    3505:kodak:

  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #19
    Hindi lang pala sa kotse madiskarte yung mekaniko, pati rin sa buhay. Marunong din manlait. Isumbong mo sa buyer. Pero duda ko, baka magkasabwat sila. Baka pag pinaayos mo sa shop nung mekaniko, hindi na nila bilhin yung kotse. Kung ano-ano na lang ang ira-rason...

  20. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    230
    #20
    Quote Originally Posted by Galactus View Post
    Hindi lang pala sa kotse madiskarte yung mekaniko, pati rin sa buhay. Marunong din manlait. Isumbong mo sa buyer. Pero duda ko, baka magkasabwat sila. Baka pag pinaayos mo sa shop nung mekaniko, hindi na nila bilhin yung kotse. Kung ano-ano na lang ang ira-rason...
    Yun nga ang sabi ko sa friend ko. Mahirap na ang nangyari sa kanya at baka pati siya sumabit in the process. Sabihin ko rin ang suggestion niyo na sa ibang buyer na lang siya dahil mejo "tainted" na ang transaction. Baka din yung buyer si maniwala sa kanya kung na kwento niya ang nangyari.

Page 1 of 2 12 LastLast
Katawa talaga