I had two experiences before. Yung una almost the same sa mga na share dito. After making a turn, may isang nakaparadang jeepney sa left ko. Biglang may tumakbong bata infront of my car. Brake hard pero huli na. Saw the kid bend over my hood sideways then flew up. Pagbagsak, tayo agad tapos tumakbo. Dito nag iba yung story ko. Kahit maraming tambay, di ko na pinansin. I just went down my car and ran after the kid (mga 12 na siguro yung bata). Finally caught up with him (hingal!) kaso ayaw sumama nung bata sa akin but i noticed his right shoulder sagging a bit. Pinilit ko talaga at sinama ko yung isang kalaro para hindi matakot. I was right, fractured yung collar bone. Spent for the doctor and medications and eventual check up for two months. Gastos at abala pero nakakatulog ako ng maayos after that. Yung second, M.O. naman. Bagal ko pero bigla na lang may nadapa sa side ko claiming tinamaan ko. Matabang lalaki. Ayaw namang magpadala sa hospital kahit pilitin ko. Tapos nanghingi ng 500. Binigyan ko na para matapos. Pag bigay ko, ang bilis na lumakad paalis. Nawala yung pilay at sumabit pa sa jeep. This time hindi na ko nakatulog afterwards! naloko ako eh! he..he..he..