New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 55 of 87 FirstFirst ... 54551525354555657585965 ... LastLast
Results 541 to 550 of 868
  1. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,661
    #541
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    OT:

    Nobody says that to my face and gets away with it .... Nobody! ... harharhar!


    BTT:

    I'm driving old Benzes. I may not catch up with the newer cars in the highways right now .. pero bangaan nalang kami .. hehehe
    This.

    Before, I had a fender bender with an 80's Benz. My fender had a huge dent, and the paint was damaged but his benz? Not a scratch was seen. Lol.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,972
    #542
    Originally Posted by lowslowbenz
    Greenhills parking lot .... I was calmly (and patiently) waiting for a corolla altis to go out of its slot so that I could park. After figuring out that its gonna take awhile, I fished out my mobile phone to SMS my wife (who was inside braving the holiday shopping rush) that I already found a parking space. Little did I realize that the owner of the altis was already beside my window, pagbukas ko ng bintana ito ang narinig ko.

    "Pare, obvious ba na hindi pa ako aalis? !*#$%^&* (nag-mura!) ... kaya kung ako sayo umikot ka nalang dahil mamumuti lang mata mo sa kakahintay sa akin dito"!

    Mali ata gising nung taong yun .. or pinagalitan ng asawa .. or naubos budget sa kaka-shopping. And natulala ako sa sinabi nya sa akin ... after awhile I realized na parang hindi tama ang ginawa nya sa akin. So lumabas ako ng parking building, at lumipat sa ibang building ... yes, binayaran ko ang exit.

    Nung naka park na ako, I went straight back to the place where he was parked. Calmly waited for the roving motorized guard to pass ... and when all was clear, jumped on his engine hood ... 180 pounds of sweet "expensive" revenge!
    Quote Originally Posted by lowslowbenz View Post
    OT:
    Nobody says that to my face and gets away with it .... Nobody! ... harharhar!

    BTT:
    I'm driving old Benzes. I may not catch up with the newer cars in the highways right now .. pero bangaan nalang kami .. hehehe

    Lesson here: Nobody messes with bro.lowslowbenz unless you're a pretty young thing with a real need for jumper cables....
    14.8K:cow:

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,236
    #543
    Haha~ I just read this thread today at natawa talaga ako sa mga discussions dito ah, napakalawak. As for discrimination sa cars, may naranasan din ako niyan. I have a friend who works at the Summit One condominium sa Mandaluyong. From time to time pumupunta ako diyan at kumukuha ng produkto nila. Now, ang parking nila dun nasa basement. Normally Revo ang dadalhin ko diyan, at kapag papasok palang haharangin ako ng gwardya at sasabihing may bayad daw ang parking nila dun (para saan ba ang binabayad na maintenance ng mga tenants?! sabi ng kaibigan pati siya sinisingil! ). Isang beses inaayos ang Revo at kinailangan na pumunta ako duon so dinala ko yung 2.4 Accord. Pagpasok ko hindi nagharang tinulungan pa akong maghanap ng parking space. Ogags talaga mga gwardya na yan. :rofl: Same case din nung pumunta kami sa Manila Hotel. Marami kaming kasama so ang dinala ay yung 2.4 Accord at Revo. Nung nakarating sa driveway, agad may valet na lumapit sa Accord, eh yung Revo di pinansin.

    Although there are benefits too kung dinala ko yung Revo. Because of its convenient size, walang problemang sumiksik sa masisikip na kalsada at parking spaces. Walang problemang dumaan sa mga hood level na baha. Walang problema sa napakabulok na daan. Dahil may bullbar sa likod (dati ang harap meron din but was destroyed in an accident and never replaced), walang problemang mauntog ang pader kapag nagbabackup at yan na ang "backup sensor" ko kung minsan. Since it is a very plebeian vehicle (1st gen pa no less!), walang problemang makipagsiksikan sa mga PUVs at alam nilang hindi takot mauntugan ang mga naka ganon (although gamble parin yan). Ang maganda sa mga medyo lumang klase na utility vehicles eh alam ng mga tao na usually OK lang sa mga owner magasgasan ang mga ganyan. Alam kong hindi ganon kaganda ang practice na to but the yellow foglight incorporated into the main headlight is quite handy too, parang DRL ang dating. Kung minsan binubuksan ko yan kapag nagmamadali ako at medyo maluwag luwag ang traffic like during early Sunday mornings for instance. Most folks would give me a wide berth; nobody wants to mess with an AUV in a hurry.

  4. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #544
    ^ anong variant ba ng Revo mo bro? GL, GLX , DLX??? kung VX200 o Sport Runner e medyo "kgg."/ mas appeal pa ang dating.

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,236
    #545
    Quote Originally Posted by zap.FREEDOM View Post
    ^ anong variant ba ng Revo mo bro? GL, GLX , DLX??? kung VX200 o Sport Runner e medyo "kgg."/ mas appeal pa ang dating.
    1st generation GLX diesel bro. no plastic cladding to be dinged with, durable steel bumpers front and back and still with all power amenities and 6 speaker audio system. Although mas maganda nga talaga ang SR variant.

  6. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #546
    Naexperience ko na din to nung student pa ko. I was 17 back then, bago pa lang nagmamaneho kaya pinapagamit sakin eh Daihatsu Hi-Jet as my practice vehicle, sa sumulong highway, Antipolo. Palabas ako ng gas station doing a left turn to proceed doon sa kabilang side ng kalye, malayo pa naman ang parating na L300 versa van at medyo mabagal ang takbo. So lumabas na ko ng dahan dahan, pero hindi niya ako pinagbigyan, malapit na ko sa gitna ng kalye at makakapasok na sa linya ko, binilisan at iniwas niya para makatawid pa din siya sa harap ko at kinain na yung opposite lane pero inabot at naside swipe niya yung harap ng van ko.

    Baba si manong driver at sabi, pano yan bayaran mo na lang yung damage ng van ko para tapos na. Ako naman, ha? eh may sira din naman yung sasakyan ko, mas malaki pa nga dahil basag mga headlights. Nagsisisigaw na si driver, kesyo bulok naman daw sasakyan ko at di na kailangan ipagawa. Tawag ako sa utol at parents ko para puntahan ako, tinawag ko din yung mga brgy tanod na sakto nagpapatrol sa area.

    Punta na kami sa presinto, sabi pa ni manong eh nagaaksaya lang kami ng oras, dapat daw eh bayaran ko na lang siya. Sabi ko lang eh antayin na lang parents or yung brother ko kung sino unang makarating.

    Unang dumating utol ko dala yung brand new Starex namin, dun na tumahimik si manong. Iba na ang sinasabi. mabait na siya pero nung wala pa yung utol ko sinisiga ako. Mapapagusapan naman daw at medyo maliit lang naman ang damage. Dumating na din parents ko dala yung Exped. Wala na masabi si manong at sabi na lang ng parents ko na ipapagawa yung sira ng van niya. Binigyan ng calling card, but weeks passed, hindi niya tinawagan parents ko para sa damage ng van niya. hahaha!

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,972
    #547
    Quote Originally Posted by GTi View Post
    Although there are benefits too kung dinala ko yung Revo. Because of its convenient size, walang problemang sumiksik sa masisikip na kalsada at parking spaces. Walang problemang dumaan sa mga hood level na baha. Walang problema sa napakabulok na daan. Dahil may bullbar sa likod (dati ang harap meron din but was destroyed in an accident and never replaced), walang problemang mauntog ang pader kapag nagbabackup at yan na ang "backup sensor" ko kung minsan. Since it is a very plebeian vehicle (1st gen pa no less!), walang problemang makipagsiksikan sa mga PUVs at alam nilang hindi takot mauntugan ang mga naka ganon (although gamble parin yan). Ang maganda sa mga medyo lumang klase na utility vehicles eh alam ng mga tao na usually OK lang sa mga owner magasgasan ang mga ganyan. Alam kong hindi ganon kaganda ang practice na to but the yellow foglight incorporated into the main headlight is quite handy too, parang DRL ang dating. Kung minsan binubuksan ko yan kapag nagmamadali ako at medyo maluwag luwag ang traffic like during early Sunday mornings for instance. Most folks would give me a wide berth; nobody wants to mess with an AUV in a hurry.

    This reminds me of my favorite vehicle(van) from among the ones we have now...

    Siya lang ang M/T(the rest are A/T) at siya ang palagi kong drive sa mga masisikip at magugulong lugar...

    Pero, makinis pa rin ang kanyang kaha/pintura,- walang gasinong gasgas, walang kalawang at walang bangga....Palagi ngang inaawitan sa akin, pero I am still keeping it.....
    14.8K:cow:

  8. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    374
    #548
    Quote Originally Posted by m777 View Post
    Naexperience ko na din to nung student pa ko. I was 17 back then, bago pa lang nagmamaneho kaya pinapagamit sakin eh Daihatsu Hi-Jet as my practice vehicle, sa sumulong highway, Antipolo. Palabas ako ng gas station doing a left turn to proceed doon sa kabilang side ng kalye, malayo pa naman ang parating na L300 versa van at medyo mabagal ang takbo. So lumabas na ko ng dahan dahan, pero hindi niya ako pinagbigyan, malapit na ko sa gitna ng kalye at makakapasok na sa linya ko, binilisan at iniwas niya para makatawid pa din siya sa harap ko at kinain na yung opposite lane pero inabot at naside swipe niya yung harap ng van ko.

    Baba si manong driver at sabi, pano yan bayaran mo na lang yung damage ng van ko para tapos na. Ako naman, ha? eh may sira din naman yung sasakyan ko, mas malaki pa nga dahil basag mga headlights. Nagsisisigaw na si driver, kesyo bulok naman daw sasakyan ko at di na kailangan ipagawa. Tawag ako sa utol at parents ko para puntahan ako, tinawag ko din yung mga brgy tanod na sakto nagpapatrol sa area.

    Punta na kami sa presinto, sabi pa ni manong eh nagaaksaya lang kami ng oras, dapat daw eh bayaran ko na lang siya. Sabi ko lang eh antayin na lang parents or yung brother ko kung sino unang makarating.

    Unang dumating utol ko dala yung brand new Starex namin, dun na tumahimik si manong. Iba na ang sinasabi. mabait na siya pero nung wala pa yung utol ko sinisiga ako. Mapapagusapan naman daw at medyo maliit lang naman ang damage. Dumating na din parents ko dala yung Exped. Wala na masabi si manong at sabi na lang ng parents ko na ipapagawa yung sira ng van niya. Binigyan ng calling card, but weeks passed, hindi niya tinawagan parents ko para sa damage ng van niya. hahaha!
    May kaparehas ka na kwento dito, Elantra naman yung gago.

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #549
    Quote Originally Posted by GTS925 View Post
    May kaparehas ka na kwento dito, Elantra naman yung gago.
    yup! nabasa ko nga. kaya naalala ko din yung nangyari sakin.

  10. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #550
    Quote Originally Posted by GTi View Post
    Haha~ I just read this thread today at natawa talaga ako sa mga discussions dito ah, napakalawak. As for discrimination sa cars, may naranasan din ako niyan. I have a friend who works at the Summit One condominium sa Mandaluyong. From time to time pumupunta ako diyan at kumukuha ng produkto nila. Now, ang parking nila dun nasa basement. Normally Revo ang dadalhin ko diyan, at kapag papasok palang haharangin ako ng gwardya at sasabihing may bayad daw ang parking nila dun (para saan ba ang binabayad na maintenance ng mga tenants?! sabi ng kaibigan pati siya sinisingil! ). Isang beses inaayos ang Revo at kinailangan na pumunta ako duon so dinala ko yung 2.4 Accord. Pagpasok ko hindi nagharang tinulungan pa akong maghanap ng parking space. Ogags talaga mga gwardya na yan. :rofl: Same case din nung pumunta kami sa Manila Hotel. Marami kaming kasama so ang dinala ay yung 2.4 Accord at Revo. Nung nakarating sa driveway, agad may valet na lumapit sa Accord, eh yung Revo di pinansin.
    Bro yung summit condo na sinasabi mo eh iyan ba yung katabi ng baby land? tapat petron?

Do people discriminate against old cars?