New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 56
  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    41
    #1
    Hindi ako sure kung tama ako dito pero ingat po sa mga dadaan ng Ortigas Ave. sa may bandang greenhills. Nahuli ako jan noong friday for beating the yellow light. Sabi nung officer kahit na daw yellow bawal na kasi madalas ang aksidente doon. Pero inabot ako ng yellow light as I was crossing the intersection, hinde po ako naghabol. Hinde naman puede ako huminto na kasi haharang naman ako sa intersection. Nagpaticket na lang ako dahil ayaw ko ng maraming pang usap usap pa at baka manghihingi lang yun ng pangkain. At least hindi sa kanila mapupunta yung bayad. Tama po ba yung ginawa ko? Parang naisip ko kasi parang mas dapat ko pinaglaban dahil alam ko na wala naman ako traffic violation. Anyways, heads up na lang para hinde kayo maabala. thanks

  2. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    913
    #2
    ang pagkaalam ko, may violation na beating the red light. pero walang violation na beating the yellow light.

    minsan kasi hindi maiwasan. minsan din kasi it is more dangerous to try and stop so as not to beat the light.

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #3
    obsolete na kasi mga traffic lights natin dito. dapat man lang may sign na mag-yeyellow na yun traffic light or kagaya nung sa baywalk na may timer. hirap kasi minsan lalo na kung tuloy-tuloy yun kalye tapos mabilis takbo ng mga sasakyan then bigla magyeyellow! mapapapreno ka pa tuloy ng biglaan

  4. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #4
    from what i know.

    if you passed the intersection line green, then midway the light turns yellow you're ok.

    if you passed the intersection line yellow, you're still ok.

    if you pass the intersection line red, you have a violation.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    there's no such thing as beating the yellow light

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #6
    even in the list of LTO violations, wala ka mababasa na "beating the yellow light". yun nga lang, hirap makapagtalo...

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #7
    mmda mga naka pwesto dyan sa ortigas. saan kanto ka nahuli? wilson, connecticut or edsa. dati nahuli naman ako sa ortigas edsa towards galeria, nag yellow na so brake na ako kaso mga 60 takbo ko at mahina preno ng fx, so alalay lang ako. ayun yung bumper dumungaw sa pedestrain lane, eto na si MMDA
    mmda: DL mo? stepping ka na ah.
    ako: ano tayo nag babasketball?
    mmda: obstruction to pedestrian ka.
    ako: huh? eh wala mi isang taong tumatawaid ah ano obstruction sinasabi mo? tsaka anong numero ng batas yan obstruction to pedestrian at stepping pakita nga ng handbook nyo?

    umalis na alng yung mmda sa asar.

    pero pag jeep at bus di nila pinapansin, sinigawan ko na minsan yun dahil yung mga bus sa edsa nakaharang kahi go na yung ortigas pero deadma ang mga mokong

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #8
    Do what I do. I have the LTO website permanently bookmarked on my phone browser. Kung gustong mag-argue, may ammunition ka...

    Ang pagbalik ng comeback...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #9
    Quote Originally Posted by oldblue View Post
    there's no such thing as beating the yellow light
    Yep. That traffic enforcer was just out to extort you. This one's for him

    Quote Originally Posted by torque2006 View Post
    from what i know.

    if you passed the intersection line green, then midway the light turns yellow you're ok.

    if you passed the intersection line yellow, you're still ok.

    if you pass the intersection line red, you have a violation.
    That's as simple as it can be. Common sense, but so hard to implement when the enforcer is after some lunch money. If his reasoning was the area being accident-prone, then he should've escalated his concern through the proper channels. If it's such a high speed intersection, then perhaps other proper measures should be taken to slow vehicle traffic down. Tsk Tsk!

    And yes, they always turn a blind eye toward PUVs in violation of very basic traffic rules. Baka kasi kumpare or kamag-anak.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #10
    Dyan ako nakipag talo dati sa police officer. pinipilit nya akong hulihin dahil tumawid daw ako ng yellow light. Hinihingi nya ang license pero di ko binibigay kase tinanong ko ang violation ko at ang sabi nya ay beating.... daw ako.

    Eto ang argument ko sa police. Sabi ko sa kanya, wala po tayong violation na "beating the yellow light" , ngayon kung "beating the red light" ako ay papaticket ako. Ang sabi nya...ahh basta me violation ka. Sabi ko, di po pwede sir... dahil kahit sa mga violation ng LTO ay wala pong beating the yellow light.

    Hanggang sa nagtagal kami ng argumento at tinawag yung pinaka mataas sa kanila at dun ako nagpaliwanag hanggang sa pinagbigyan na lang nila ako. Twice na po akong nahuli sa parehong situation at pinagbigyan ako.

  11. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    567
    #11
    Ganyan din nangyari sakin last week ng papunta ako ng SEC. Nagbuild up ng traffic after mag cross ng G Liner sa EDSA (southbound) coz nagsakay/baba ng passenger. Nang alam kong ndi nako aabot kahit green light ndi ko na pinaanadar kc yung sa middle ng intersection eh may mga car pa rin. So lumagpas lang ako ng pedestrian lane, ang nakakaasar pa dito ndi pinapasin ng MGA MMDA yung G Liner and jeepney nagkwe-kwentuhan lang sila dun which is sila yung reason kung bakit nag traffic.

    MMDA: boss kelangan ndi kayo lumagpas sa pedestrian lane kc stop na
    ako: eh boss inabot na kami ng red light dito at may build up kc dun sa kabila
    MMDA: boss akin na po license.

    Ginawa ko na lang eh tinaas ko yung window and ndi cya pinansin, sa tingin ko nananakot lang yung MMDA or kung kakagat kang bigay mo yung license kc wala cyang ginawa nag labas lang cya ng cellphone tapos pinicturan kunwari yung plate number. May kasabay din akong CRV dun ndi rin nagbigay tapos girl pa yung driver.

  12. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #12
    Quote Originally Posted by niky View Post
    Do what I do. I have the LTO website permanently bookmarked on my phone browser. Kung gustong mag-argue, may ammunition ka...
    Hey good idea. Ma bookmark nga.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,375
    #13
    yung inakyatan nyo ng windows, baka sabihin naman nya na disrespect

    labo talaga mga traffic laws dito sa atin. dapat talga may mga seminars din sila. at iisa ang traffic center, para walang discrepancy sa mga laws and regulations

  14. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #14
    Tama bro there's no such thing as beating the yellow light.Mahirap naman bigla kang pepreno, which is dangerous kasi mas malamang yong nasa likod mo bubunggo sya sa likod mo..Dito nasa manual nila yon, once naka rekta ka at inabutan ka ng yellow light never step on the break for sudden stop.

  15. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    567
    #15
    Quote Originally Posted by tebs View Post
    yung inakyatan nyo ng windows, baka sabihin naman nya na disrespect
    I dont see any point na makipag usap or makipagtalo sa kanya, obviously gusto nya lang kumita. Sa tingin ko modus na nila yan kasi madami ng naka experience dito

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #16
    ako, I printed out the LTO traffic violations and have a copy in the car para kung manghuli, ipapaturo ko sa kanya kung alin dun ang violation ko. at kung tumanggi, I have the MMDA hotline on my cel. kakabuwiset yang mga buset na MMDA na yan! :mad:

  17. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #17
    Quote Originally Posted by rsnald View Post
    ako, I printed out the LTO traffic violations and have a copy in the car para kung manghuli, ipapaturo ko sa kanya kung alin dun ang violation ko. at kung tumanggi, I have the MMDA hotline on my cel. kakabuwiset yang mga buset na MMDA na yan! :mad:
    anong hotline ng mmda? may sumasagot ba?

  18. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    260
    #18
    tsk tsk tsk... ambobo talaga ng karamihan ng mga traffic enforcers natin

  19. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    402
    #19
    nakalimutan nyo yata na most of them[mmda traffic enforcers]ay galing sa metro aide at napromote kasi tagal na nila sa kalye he he he, BF ano ba yan?

  20. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    624
    #20
    everyday dyan ako dumadaan sa edsa ortigas na yan going to manila and back, pansin ko lang parang sinasadya ng mga enforcer na pag alanganin ang takbo mo gagawing yellow to red na stoplight para nga naman pag nalito ka huli ka, kaya ang gawa ko pag malapit na diyan sa intersection na yan at alanganin, binabagalan ko na takbo ko para sa red light.

    minsan naman, kasi manual nga ang palit ng stoplight, pag binagalan mo naman, tagal naman ng red light. lakas ng trip ng mga enforcer diyan sa edsa ortigas.
    feeling ko sinasadya nila ito para makapanghuli.

    dami ko rin nakikita dyan na apprehended private vehicle, tuwing madadaan ako diyan hindi nawawala ang sasakyan na nakatabi at kausap nila.

Page 1 of 3 123 LastLast
Beating the yellow light