Hindi ako sure kung tama ako dito pero ingat po sa mga dadaan ng Ortigas Ave. sa may bandang greenhills. Nahuli ako jan noong friday for beating the yellow light. Sabi nung officer kahit na daw yellow bawal na kasi madalas ang aksidente doon. Pero inabot ako ng yellow light as I was crossing the intersection, hinde po ako naghabol. Hinde naman puede ako huminto na kasi haharang naman ako sa intersection. Nagpaticket na lang ako dahil ayaw ko ng maraming pang usap usap pa at baka manghihingi lang yun ng pangkain. At least hindi sa kanila mapupunta yung bayad. Tama po ba yung ginawa ko? Parang naisip ko kasi parang mas dapat ko pinaglaban dahil alam ko na wala naman ako traffic violation. Anyways, heads up na lang para hinde kayo maabala. thanks