Quote Originally Posted by Dende View Post
Kanino nakapangalan yung loan sa bangko? Kung kanino nakapangalan yung loan siya ang may obligasyon magbayad.

Tingin ko nakapangalan sa first owner yung loan dahil interesado pa siya.

Saka sa pagkakatanda ko, hindi pumapayag ang bangko sa "assume balance". Yung pinagtratrabahuan ko noon at ngayon hindi pumapayag. Yung mga dokumento na inexecute ay sa pagitan nung bangko at ng original owner. Sa pagkakaalala ko rin eh hindi tumatanggap yung bangko ng third party checks. Yan kasi yung madalas na mode of payment sa assume balance.

Kung wala kang pinirmahan na dokumento sa bangko ay di ka pwede obligahin ng bangko na magbayad - kaya yung original na owner ang nangungulit sa iyo.

Ano ba ang "documented" na pinagkasunduan niyo nung original owner? Yung bank loan confirmation na pinirmahan niyo eh binigay ba sa bangko?
wow sa ganitong scenario yari yung first owner haha.

so sir, talaga ba na kahit saang bangko ay hindi uubra yung assume balance? meaning hindi talaga mattransfer yung loan officially? may mga nababasa din kasi ako na possible daw kailangan lang sabihan ang bangko, etc.