Quote Originally Posted by win23 View Post
Nag assume po ako ng car sa 1st owner then After a year of payments I decided to forward to other person because of my financial changes. Nag execute po kami ng conditional deed of sale at bank loan confirmation. Ang problema po yun pinag pasahan ko ay sindikato. Meron din lumabas na victim. Same person Lang. Till now wala pa po ako actions na ginagawa. Gusto ni first owner bayaran ko ang balance sa bank which is 4yrs pa. Kaya nga po ako nag decide I-forward dahil s status of financial ko. Ano po kaya ang dapat ko gawin? Demand po ba ako ni bank at first owner? May obligation pa rin ba ako sa bank kahit wala na yun sasakyan sa akin? What if hindi ko kaya bayadan ang monthly amort? Baguhan Lang po ako dito .. Need help po talaga .. Salamat..
Kanino nakapangalan yung loan sa bangko? Kung kanino nakapangalan yung loan siya ang may obligasyon magbayad.

Tingin ko nakapangalan sa first owner yung loan dahil interesado pa siya.

Saka sa pagkakatanda ko, hindi pumapayag ang bangko sa "assume balance". Yung pinagtratrabahuan ko noon at ngayon hindi pumapayag. Yung mga dokumento na inexecute ay sa pagitan nung bangko at ng original owner. Sa pagkakaalala ko rin eh hindi tumatanggap yung bangko ng third party checks. Yan kasi yung madalas na mode of payment sa assume balance.

Kung wala kang pinirmahan na dokumento sa bangko ay di ka pwede obligahin ng bangko na magbayad - kaya yung original na owner ang nangungulit sa iyo.

Ano ba ang "documented" na pinagkasunduan niyo nung original owner? Yung bank loan confirmation na pinirmahan niyo eh binigay ba sa bangko?