I have met but a few car drivers who truly understand that the plague the bikers present to the motoring community is not about their growing number, it's the miseducation of the Pinoy driving public and the strict execution of our laws and licensure guidelines. This doesn't exempt us car drivers. Namamagnify lang ang pagiginig irresponsable sa kalsada dahil sa lumalaking population ng mga nagmamaneho. I am disgusted at this elitist view--na ang car drivers ay may pinag-aralan (at di hamak na mas mahal at mas malaki yung oto kesa sa motor) kaya mas may karapatan tayo sa kalsada at yung motoristang skwater ay nakakatawa pag naaksidente at dapat lang na maksidente basta wag tayong gagasgasan. Aminin na natin. Gusto natin tayo lang ang nasa kalsada. E kahit naman tayo-tayo lang mga kotse ang nasa kalsada, di pa rin tayo magkasundo.
Kung modo at modo na lang ang pag-uusapan, sino ba sa atin dito yung galit na galit sa mga may wang-wang? Sa plate number na 8? Sa mga SUV na bully? Sa mga maiingay and audio? Sa mga ricers na hataw ng hataw? Sa mga mauusok na van?
Oo na. Di ka naman kasama sa mga ganun. Sila lang yung pasaway. Di ikaw.
(At eto tanong lang: If your car can fit through a certain small space, di mo ba isisingit? Ok sige na. Di mo gagawin yun. Ganyang ganyan ang nakikita ko pag matrapik, e. Tayong mga oto, we stay on our lanes. Sunod lagi tayo sa batas trapiko.)