Quote Originally Posted by zinedrei View Post
imho, it's not the price of your ride that determines what type of person you are. it's how you drive your ride. kotse man or motor, kung hindi ka responsable sa daan, ito yung tinatawag ng iba na "iskwater".
How right you are. Kahapon lang nasa third lane ako sa may Makati e may nakapark na pala dun kahit na bawal pa kaya sumignal ako na babalik sa second lane... aba, yung tucson sa likod ko ayaw, busina nang napakarami at napakalakas kahit na may space naman at kasyang-kasya ako, pinabayaan ko na lang. Sabi ko sige mauna na tong mokong na to. Baka naiihi na.

E di napunta ako sa likod nya. Tamang-tama pareho pala kami ng paparkingan na lot. Ayun hintay ko sya kung tama ang hinala ko na driver lang yun. Aba, doktora pala at may salamin pa. Ngumiti na lang ako at naisip ko baka may emergency.

Aba naman... habang naglalakad palabas, tumigil sa harap ng parking at nakipagkwentuhan sa mga nurse na nagyoyosi at naglabas din ng yosi!

This just goes to show, hindi lahat ng asal-iskwater ay rider at walang masyadong pinag-aralan.