nagtataka din ako kung bakit ang bagal ng processing ng mga EC tags ng NLEX. kung magapply ka ng EC tag, papabalikin ka pa after 3 days para makuha yung unit. but when i applied for mine, it took me only 30min dahil talagang nakiusap ako. pwede naman pala nilang magawa in 30 min, bakit ka pa papabalikin after 3 days?!?!?
then more than a week ago, i had my EC tag changed to auto debit from my credit card, after 5 days ko pa daw makukuha yung unit. sinubukan kong pakiusapan kung pwede kong hintayin, hindi daw pwede. tatawagan nalang daw ako if ready for pickup na yung unit ko. after 4 days, bumalik ako kahit hindi pa ako tinatawagan. ok na pala yung unit ko, pero wala naman tumawag sa akin. hindi ko malaman kung bakit kelangan ganun kahabang panahon para lang maayos yung EC tag. pwede naman na nilang ibalik sa akin yung unit at sabihin na gamitin ko nalang after 5 days para hindi na ako babalik sa office nila. yung serial number lang naman ng EC Tag ang kelangan nila para maprocess yung request ko.
regarding the EC Lanes naman, hindi pa sila parang engot na maglalagay sila ng mixed lane tapos hindi 'exact toll only' yung lane? tapos makikita mo yung 'exact toll only' dun sa non-EC tag lane.
tapos dun sa mga exits na maliliit lang, usually walang EC Lane only, puro mixed lane. dapat gawin nilang 'exact toll only' yung mixed lanes nila. hindi ko rin maintindihan sa mga motorists na walang EC Tag, bakit mas gusto nilang dun sa mixed lane pumasok kahit walang nakapila dun sa non-EC tag lane?!?!?!