Quote Originally Posted by Kapitan Sibuyas View Post
Wala ako sariling car pero I borrow my dad's vios...anyways, my rules are:

1) Bawal kumain ng kahit ano (unless ikaw tatay ko)
2) Ako lang pwede magpalit settings ng aircon (unless nalalamigan ka na)
3) Huwag malakas sa pagsara ng pinto at trunk
4) Ako lang ang pipili kung ano ang patutugtuhin sa radyo (unless ikaw tatay ko...matic AM agad yan or "fire" yung ipaplay mo), okay lang na ikaw magptugtog)
5) Kung makikisabay ka, dapat along the way sa dadaanan ko (dad ko nagbabayad ng gas. Maliban na lang kung gf kita, ibang usapan na yun)
6) Kung uutot, magpaalam at buksan ang bintana
7) Bawal magreklamo (eg. Luma naman ng kotse mo. Aba makikisakay na nga lang magrereklamo pa)
8) Wag guluhin yung seat covers
9) Ibalik sa dating position lahat ng ginalaw (head rest, seat, etc.)
10) Subukan na wag sumira mg kahit ano (patay ako sa tatay ko nito kung mapansin niya)
11) Kung iinom ng drinks, please lang wag makalat
12) Alagaan ang kotse na parang sariling kotse mo (magingat sa pagbukas ng pinto, etc.)
13) Bawal mag smoke or mag vape
14) Bawal ang illegal na gawain sa loob



Sent from my iPhone using Tapatalk
ahh, i remember the times na nakikihiram ako sa magulang and newbie driver pako... yung may kakatok sa kwarto mo tapos sasabihin: "bakit may tama kotse ko!?" "bakit amoy sigarilyo dito!?" "bakit ubos gas ko!?" hahahahahaha

and about number 7, i agree. dapat lng di magreklamo, pasalamat pa nga ang reklamador na pinapasabay eh!


Sent from my iPhone using Tapatalk