I am doing a little research about saving gas, then napadpad ako dito sa forum, napakalakas kasi sa gas ng auto ko, Ford Lynx Ghia 2001 AT. 3km/l city driving, conscious pa ako nyan sa acceleration and breaking. Tagal ko na rin narinig itong KSTC, may numbers pa nga ako ng mga installers nung nakita ko itong na feature sa isang tv show. Minsan naitanong ko na rin sa taxi driver kung ok ba talaga ito, negative din ang sagot sa akin. Hindi ako mapaniwalaing tao kaya gusto ko i-try, pero sa mga nabasa ko dito mukhang alam naman ng mga debunkers ang mga sinasabi nila. Talagang nagbago isip ko. Se-segway lang ako ng konti para sa tanong ko.

Simpleng tanong lang naman: Ano dapat kong gawin sa auto ko para makatipid ako sa gas? (bukod sa huwag kong gamitin at maglakad na lang) : ) Ghosthunter and Niky. Tuloooooooooong! : )

Btw, nice thread, entertaining habang binabasa ko mula page 100. May twist ng konti, may revelation, may suspense pa nga. Inaabangan ko tuloy pagme-meet ni Ghosthunter, Niky, khaos, at rotciv79. 7 years in the making.