Dito pa ako Pinas pero inaayos ko na paper namin para maka-alis dito. Nde naman kami nahihirapan dito sa atin kasi meron naman ako 2 maliit na negosyo na ok naman. Kaya lang sa araw-araw na andito ako at na-experience ko ang maasar sa kapit bahay namin na walang tamang ugali ex: park sa tapat ng gate mo sasakyan nila etc, drive alongside undisciplined drivers, corruption sa goverment (brgy. officials, local officials & govt. agencies) & #1 sa lahat e ang lawlessness dito sa atin. In-short e gusto ko ilagay ang mga anak ko sa mas ok na lugar na sa tingin ko e nde ko na matatagpuan dito sa atin.
Dati nung medyo bata pa ako e nde ganito ang pananaw ko, kaya lang parang wala na talaga gamot sa kanser sa Bansa natin e. Palala na ng palala ang kasamaan dito sa atin e.
Ito obserbasyon ko dito sa atin kasi ang isa ko negosyo e derekta akong nakikisalamuha sa tao. Ang problema ng Bansa natin e ang lower class ng ating society na patuloy na inaabuso ng ating mga pulitiko. Ang kultura natin ang dapat baguhin kung seryoso talaga tayo na maayos pa ang sitwasyon natin. Ang Education System natin ang sa tingin ko ang dapat talaga ayusin, kasi kung mula pre-school hanggang high school e maturuan lang ng tamang VALUES ang mga bata e 50% o higit pa siguro sa ating mga problema e ok na. Ang isang problema dito sa atin minsan e ang teacher mismo e hindi alam ang tama at mali.
Simple lang ng rason ko ano para lisanin ang Pilipinas.![]()


Reply With Quote



