basted?
siguro kung ako, gusto ko magpapaalam muna siya sa parents ko..kahit na simple lang yung ring basta meron...saka pag ready na kami kahit siguro walang formal proposal why not diba?pero mas romantic pag meron.. :inlove:
:congrats:
to john and dette...(m2 and his kummander)
Meron akong ex-officemate, tatlong beses yatang nagpagawa ng engagement rings, kaya Lord of the Rings ang tawag namin dun. Romantic dinners ang props niya. Propose siya kay GF#1, hiwalay, tapos propose kay GF#2, hiwalay ulit, tapos balik kay GF#1. Ikinasal naman sila eventually (kami pa nag-handle nung wedding), and after a year, ayun separated na. Sheeeesh.
Proposal ko nga, sa Planet Pita pa. Birthday ko nun, niregaluhan ako ni GF ng relo. Then, slip of the tongue, nasabi ko na may gift din ako. Patay, hindi na ako tatantanan nun hangga't di ko sinasabi. Nilabas ko na yung singsing, sabay tanong, "Will you be Mrs.----?" Nung una, yes lang ang nasagot niya. Minutes later, pumipila ako to get tickets for a movie, saka lang daw nag-sink in yung sinabi ko sa kanya. Maluha-luha na, ewan kung sa tuwa o sa dismaya.
M2 and M2's kumander, congrats! Kaya pala kinukulit ako ni John sa sweldo niya eh. :bwahaha: