
Originally Posted by
misseksaherada
Kung nasa 30s na yung friend ni Ms. Cathy.. Yung payo, dinig sa kabilang tenga labas sa kabila.. Mukhang decided na, matanda na yan nag-iisip din naman yan.. Feeling ko naman naisip niya na din yung mga naisip niyo.. Maganda education nga and background oh..
If yung "pikot" about sa baby, naisip niya naman din ang consequences I think.. And mukhang ready naman sya sa mga consequences.. Again, matanda na sya, feeling ko naman mature enough na sya to make decisions sa life nya..
May mga friends ako na single mom, yung pinaka close ko pa nga sa kanila nag-away na kami dahil kakapayo ko.. Tinigilan ko na lang nung huli, kasi muntikan na kami mag "friendship over".. Hindi na sya sakin nagkukwento kasi everytime na lang magkwento sya sakin nauuwi lang sa pagsasabihan ko siya.. Nag-worry ako na baka may mangyari sa kanya na hindi ko alam, dahil pati family niya kasi nagalit na sa kanya.. So ang ginawa ko na lang, naging listener na lang ako para alam ko ang nangyayari.. Fast forward sa present, kapag nagoovernight kami.. Na-appreciate niya naman pala mga payo ko noon pero may mga bagay daw na kailangan ma-experience para matutunan.. Pero ok pa din siya sa decision nya kasi wala daw sya mga "what ifs"..
In short, may mga single moms talaga na pinili nila yung path na yun.. Maybe satin selfishness yun or stupidity pero pinag-isipan nila yun.. May time pa nga na feeling nila lamang sila kaysa mga matatandang single..
Even I don't agree, I still respect their decision.. It doesn't mean that they are less of a person dahil lang sa pinili nilang path..