Binuksan ulit sir pero may usok padin pag paahon.
Update ko lang po sana. Ang ginawa po pala talaga ay top overhaul lang, dinukot lang yung piston para palitan yung rings hindi po pala general overhaul. Pinacheck ko po sa ibang mekaniko, sabi culprit daw malamang ng usok ay yung mga bearings daw. Kaya recommend na tlaga general overhaul.
Tanong ko lang po, okay pa po ba na general overhaul ang ph16 na makina? At magkano po estimate overall cost pag general overhaul ng ph16?
una sa lahat, anong klaseng usok. anong kulay, ano ang amoy ng usok.
walang kinalaman ang bearings sa usok. talagang hinuhulaan lang ang kotse mo. puro haka haka ang sinasabi sa iyo.
Ano po kaya pwede gawin para malaman talaga problem? Ayoko naman po kasi ipa general overhaul agad hangang d malinaw problem. Ok lang po ba kung ipa compression test ko muna? Ok nman daw kasi takbo ng makina pati tunog. Yung usok lang po kasi problema
di kaya crack cylinder head? pag start ba ng sasakyan buga na agad puti usok kahit malamig makina?
Maayos naman po yung cylinder head sabi sa machine shop. Kaht yung sleeves and mga piston ok naman daw. may alog lang daw ng onti yung 3rd piston from left. pero di naman daw yun yung cause ng usok umuusok lang po sya pag mataas na ahon at gumagalaw na auto at mahinit na makina. pero pag idle di nman po
kung medyo matagal na tumakbo na may halong oil o coolant sa exhaust system, kahit naayos na ang sanhi, mananatili ang usok hangga't hindi nalinis ang exhaust system. subukan mong mag pa cylinder leakage test. subukan mo din malinis ang exhaust mula sa manifold pababa
Yun nga din po sinabi ko sa mga mekaniko na tumingin kung coolant o tubig since puti. Pero wala naman po bawas sa coolant o tagas na nakikita khit sa ilalim. wala din naman po sinabi tungkol dun mga mekaniko na tumingin . Pero medjo napansin ko nga din po na may onti kalawang yung master cylinder sa brake area ko. Pwede dun po kaya din problem?
PH16 makina.diba ang pH16 ay sa 96 honda civic vtec..di kaya nagpalit na ng makina dyan.
about naman dun sa piston ring.dapat hindi ung standard na ring ang ikabit dyan.dapat ung susunod sa stock.(.025) saka isususkat dun sa pinaka bore niya para malaman kung gaano ung dapat ibawas dun sa ring .palpak na mekaniko mo.at sobrang lamog nadin makina mo sa baklas kabit.so dinukot ulit pala makina mo..
dapat naghanap ka nalang ng surplus engine.mga nasa 30k un.salpak nalang..
Pinalitan po yung ring pero sinukat nman po based sa bore and sleeve. Yun naman po yung engine na nkalagay sa OR/CR ng kotse.PH16 lxi. ESI body lang kasi yung auto. Mas preferred kasi yung overhaul kasi mas alam na yung history ng makina. Hit or miss daw kasi pag new engine dahil sa history
Pwede po ba magtanung ang baba pa dn ng rpm nung sasakyan ko kahit naka3rd gear na palyado po kaya un kpag gnun