bago pa nakarnap ang EE90 corolla ko na naka 2E carburated engine ay palagi na itong nakakargahan ng E-10 for more than 2 years hindi naman nagbago ang andar ng makina ko.
sabi ng mga ibang fuel expert puedeng magka crack or lumubo ang mga rubber hose at plastic na fuel lines mo pero sa akin hindi naman nangyari lagi ko kasing tinitignan kung totoo nga.
tapos pag dating naman daw sa carb ay magkakaroon ito ng limescale or white rust in other word corrosion pero minsan nung nag decide ako i-overhaul or linisin ang carb ko wala naman akong nakitang ganun.
eto lang hindi maganda sa E-10 kapag hindi mo ginamit ang kotse mo ng almost 1 week or higit pa dyan medyo hard starting sya, minsan hindi ko ginamit ang kotse ko ng 5 araw pagkatapos nyan ginamit ko sya ulit, nung una hinala ko baka sa tagal ng hindi ko sya nagamit ay baka nagka corrosion na ang carb ko at mga fuel lines ko baka nga lumiit ang butas kung saan dumadaan ang fuel dahil hindi ito nag si-circulate kasi nga medyo matagal din ipinahinga ko ang kotse ko.
syempre ni-check ko yung rubber at plastic fuel lines ok naman ang butas hindi naman sya lumiit ganun pa rin ang laki ng butas tapos sa carb naman tinignan ko ang jets pati ang buong carb wala naman corrosion at hindi rin lumiit ang jets.
so kinakailangan lang kapag naka E-10 ang makina mong de karburador at wag ito mapapahinga ng matagal.
yung mga EFI naman kung bakit pag nilagyan ng E-10 ito ay pumapangit ang andar paano karamihan ng ECU ay medyo sensitive sensor nito sa fuel dahil nga naka-program lang ito sa premium at unleaded lang kaya sa oras mag-lagay ka ng E-10 na detect ito na kakaiba ang timpla ay papangit nga ang andar nito kaya sa america at ibang bansa ang ginagawa naman ng mga naka-EFI engine na hindi pa compatible sa ethanol ay kinakabitan ito Fuel-Flex System kit sa kanilang electronic injectors para maging compatible ito mula sa premium, unleaded, E-10, E-20, E-65, E-85 at almond gasoline.


Reply With Quote
