Quote Originally Posted by 12vdc View Post
Depende.

Kung sobrang lambot ng bypass valve spring konting rebulusyon mo lang(oil flow pressure) bubukas na ito. Kapag nangyari ito at kung madumi ang langis mo, hindi nya mafifilter ang dumi at iikot lang sa lubrication loop na pwedeng sumira sa makina mo sa katagalan ng gamit.

Kung sobrang tigas naman ng BPV, magkakaroon ng oil deprivation kung barado ang filter element at hindi makakqarating sa oil jets and journals ang langis na ikasisira din ng makina mo.

Kung nilakihan mo o niliitan ang filter, hindi nagbabago ang pressure diferential dahil parehas lang ang inlet/outlet kaya konstant ang BPV value. Nagtatalo na lang sa laki ng filter element,holding capacity, at flowrate sa element per area. So mas malaking filter, mas maganda ang filtration dahil lumiliit ang flow-rate per area. Take note the slower the flow of fluid in the filter element, the better filtration - yan din ang principle ng bypass filtration.

In reality hindi applicable ang bypass valve satin lalo nat hindi naman yumeyelo at natutulog na parang mantika ang langis tuwing umaga, hindi ka din naman nagre resing resing na redline lagi ang rebulusyon at sobrang lakas ng oilpressure, or hindi mo naman siguro pinababayan na sobrang dumi na ng langis mo to the point na barado na ang oil filter element dahil once every 2yrs ka lang mag change oil/filter OR sobrang dumi ng hangin sa kapaligiran mo na dahilan para dumuming husto ang langis at mabara ang oil-filter-element. Gamit ka ng bypass valve dito kung napapabayaan ang sasakyan sa maintenance,kung yumeyelo sa lugar, at kung performance car na laging nasa redline ang takbo.

Kaya ang batayan sa pagpili ng filter kung hindi ka sigurado sa magiging resulta ay ang OE PSID value...At para sa aking opinyon lamang tungkol sa napili mong filter, gamitin mo kung ano ang pinakamalaki, doesnt matter na ang BPV value.
Sir, based on this discussion, mas "safe" ang mas mataas na BPV pressure kesa lower kasi di naman magbabara yung element basta basta so di needed magengage yung BPV. Tama? Kasi kung too low (say from 20 psi recommened, gagamit ako ng 8 psi), mag e-engage prematurely yung BPV pag rev ng engine? Did I get it right? Better if higher psi because the parameters needed to engage the BPV almost doesn't exist here compared to a "too low" psi that will prematurely engage just by simply accelerating?