Results 1 to 10 of 11
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 19
April 13th, 2012 04:20 PM #1meron rattling or tapping sound sa makina ng corolla ko kapag bagong start sya sa umaga o kaya basta medyo matagal na hindi napa-andar. tunog makinilya ika nga. pero after 2-3 minutes warm up kung saan umikot na yung langis ay nawawala na yung kakaibang tunog. kapag ni-rev makinis naman yung tunog ng makina.
lately lang ito nangyari sa kotse ko. nangyari ito after ko gumamit ng fully synthetic na langis (Shell) in more than 10K kms i think. noong lumabas yung kakaibang tunog, nagpalit agad ako ng mineral based na engine oil at siguro mga 7K kms ko na sya pinagtya-tiyagaan.
within sa 7K kms ay naka-ilang mekaniko na din ako nagpatingin at nagpa-adjust ng valve clearance. wala din pong tama ang camshaft kasi makinis po lahat yung surface ng cam lobes. maski yung rocker arm makinis din po (walang rough surface)
nitong huli ay nagpalit na kami ng parts. bali sa picture sa ibaba, napalitan ko na yung clip (12 pcs) at yung turnilyo (12 pcs) pero ganun pa din ang tunog. yung mismong rocker arm na lang ang hindi. gusto ko lang masigurado kung gagastos ba ako sa rocker arm ay mag ok na yung tunog ng makina ng kotse after mapalitan.
i'm sure na walang problema sa piston at mga bearing dahil walang takatak or ugong ang makina ng kotse ko kapag mainit na sya at kahit high rev. wala din po problema sa transmission area.
almos 130K kms na po tinakbo ng kotse ko, regular change oil/oil filter at air filter sya every 5K kms at adjust valve clearance every 10K kms. walang tagas, walang usok. in short properly maintained. kakagaling ko nga lang ng Mt Province at Ilocos Norte nitong holiday.
thanks po sa mga makakasagot. balak ko na din dalhin sa casa pero dyahe naman kasi 1997 pa yung model ng kotse ko.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2011
- Posts
- 66
April 13th, 2012 07:30 PM #2Gaano kalakas yung tunog? Ganyan din experience ko nung nag synthetic oil ako, lalo na mas mababa viscosity.Nung nag 10w40 syn ako from 20w50/dino, tumutunog sa unang start pero tama valve clearance, nawawala na agad pag nag circulate na yug oil. Anong viscosity ba gamit mo?
-
April 13th, 2012 08:48 PM #3
signature sound na nang toyota yan yunng tick tick tick kapag cold start pag nag luma na oto mo, pero pag nasa normal temperature na ung makina at hindi nawawala ung tick may problema yan, adjust mo ung valve clearance dapat ung mag aadjust experto, magaling huwag ka mag pa adjust sa marunong lang.
Senyales rin ito na mayroon kang Solid valve terrain, Ganyan rin sakin pag cold start may tick kaso pinabayaan ko na lang tumatahimik naman pag uminit na ung makina biruin mo naka 494,305km mileage pako kahit may tick sa cold start
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 19
April 14th, 2012 02:58 PM #4
I stand corrected. di pala fully synth yung ginamit ko noong lumabas yung ingay. eto sya, Shell Helix HX7 5W-40 pero ngayon gumamit ako ng Mobil 1 Special 20W-50, nagbaka sakaling mawala yung maingay kapag bagong start sa umaga.
bago ako nag Shell na engine oil, Mobil Super 2000 talaga ang gamit ko.
sana meron ng nakapag-paayos nito, di kasi ako mapakali sa tunog nya. parang sobrang laki ng valve clearance.Last edited by bannatiran; April 14th, 2012 at 03:07 PM. Reason: wrong spelling
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 19
April 14th, 2012 03:00 PM #5
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2010
- Posts
- 15
-
September 24th, 2012 09:57 PM #8
natural lang yan, yun Corolla EE100 (2e) namin ganyan din pag-cold start pati yung kotse ng classmate ko AE101 ganyan din, pero nawawala din naman yan agad after warmup, nakakatuwa nga e, mga 15 mins. of driving, napakatahimik na ng andar/menor makina, kala mo nga nakapatay yung makina kapag nakahinto ka sa trafffic e,
-
Tsikot Member
- Join Date
- Sep 2015
- Posts
- 2
November 12th, 2015 12:58 PM #9Buhayin ko lang po ung thread mga masters. Ganito din po ang problema ng 96 Corolla 2E ko. Akala ko mawawala sya kapag nag change oil ako, pero ganun pa din po. may nagsasabi sa akin na sa rocker arm daw po ang cause. Baguhan lang po kasi ako sa car engine. Meron po ba kayo na maisusuggest na good mechanic south area po (pque, laspinas) thanks po!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2013
- Posts
- 475
November 12th, 2015 02:00 PM #10sa Prenz Motors Paranaque (tapat ng Greenheights Subd).
hanapin mo si Jay-R.
wala pa akong sablay na pinagawa sakanya.
vios 2nd gen, corolla bigbody, at hilux namin siya gumagawa kapag may sira.
natural naman yang ingay na yan sa 2E, pero para makasigurado ka, ipa check mo na din.
common cause niyang ingay na yan ay tappets (valve clearance adjustment)
kung nasa tamang sukat naman, ok lang yan basta hindi tumutukod valves.
well, i have never met a victim admitting they maltreated their trans box...
The Toyota Fortuner has landed (fortuner pics at...