meron rattling or tapping sound sa makina ng corolla ko kapag bagong start sya sa umaga o kaya basta medyo matagal na hindi napa-andar. tunog makinilya ika nga. pero after 2-3 minutes warm up kung saan umikot na yung langis ay nawawala na yung kakaibang tunog. kapag ni-rev makinis naman yung tunog ng makina.

lately lang ito nangyari sa kotse ko. nangyari ito after ko gumamit ng fully synthetic na langis (Shell) in more than 10K kms i think. noong lumabas yung kakaibang tunog, nagpalit agad ako ng mineral based na engine oil at siguro mga 7K kms ko na sya pinagtya-tiyagaan.

within sa 7K kms ay naka-ilang mekaniko na din ako nagpatingin at nagpa-adjust ng valve clearance. wala din pong tama ang camshaft kasi makinis po lahat yung surface ng cam lobes. maski yung rocker arm makinis din po (walang rough surface)

nitong huli ay nagpalit na kami ng parts. bali sa picture sa ibaba, napalitan ko na yung clip (12 pcs) at yung turnilyo (12 pcs) pero ganun pa din ang tunog. yung mismong rocker arm na lang ang hindi. gusto ko lang masigurado kung gagastos ba ako sa rocker arm ay mag ok na yung tunog ng makina ng kotse after mapalitan.




i'm sure na walang problema sa piston at mga bearing dahil walang takatak or ugong ang makina ng kotse ko kapag mainit na sya at kahit high rev. wala din po problema sa transmission area.


almos 130K kms na po tinakbo ng kotse ko, regular change oil/oil filter at air filter sya every 5K kms at adjust valve clearance every 10K kms. walang tagas, walang usok. in short properly maintained. kakagaling ko nga lang ng Mt Province at Ilocos Norte nitong holiday.


thanks po sa mga makakasagot. balak ko na din dalhin sa casa pero dyahe naman kasi 1997 pa yung model ng kotse ko.