My ride is a JDM Pajero, 4d56 TDIC engine and A/T.
Problem is when I go on a full stop, o kahit slow down lang na almost stop na, parang nasasakal/nabubulunan yung makina. Kahit anong rev mo ayaw umusad. Maghihintay ka ng mga 3-4 seconds bago mo maramdaman na magaan na ulit sya saka ako aapak ulit sa accelerator tapos aandar na sya. Di naman namamatay ang makina. Ramdam ko din na kahit nasa D ang A/T setting pag binitawan mo yung accelerator habang umaandar parang nakaapak ako slightly sa brake.
Dinala ko sya sa isang shop this weekend. Ang ginawa nila to test ni-rev ng ni-rev ang makina while A/T is at P. Sabi baka calibration kailangan kaya lang ang laki ng quote kaya di ko pinaayos. Pag-alis ko sa shop pakiramdam ko mas nakahinga makina. Di na lumalabas yung problema pag slow down lang pero pag full stop ganun pa din. Somehow, I guess, nakatulong yung pag-rev nila paulit ulit ng todo sa makina.
Air filter is two weeks old, changed fuel filter January this year, change oil and oil filter last month.