New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 8 FirstFirst 123456 ... LastLast
Results 11 to 20 of 71
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #11
    hanggat maari iwasan mo yung flushing kasi pag drain mo ng oil na may kasamang flush naiiwan yung ibang flush sa loob. pag lagay mo ng fresh oil mahihirapan sya kumapit sa engine components dahil may flush pa. magagas gas internals mo.


    sa pagkakaalam ko po.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    695
    #12
    what's flushing? and ano ba ginagamit sa pag-flush (ano ang naiiwan sa loob)?

    hehe sorry kung stupid question! :D

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #13
    crawdaddy: Kaya po gumagamit ng oil flushing yung iba ay para palabnawin yung langis. Sa ganitong paraan mas mabilis madedrain yung langis (specially dun sa mga oil stations na quikie and pag change oil).
    Me personally, di ako gumagamit ng flushing kasi may natitira sa loob pag drain ng lumang langis. Yung makina po kasi, may mga parte na malalim at pwedeng mag stay dun ang langis w/ flushing. Pag naglagay ka na ng bagong langis, hahalo ulit yun sa fresh oil mo tapos palalabnawin nya ulit yun thus shortening the life of your fresh oil.

    Whith regards to additives, yung mekaniko ng L300 ko dati, may experience sila na may naglagay ng additive tapos naging parang GEL sa oil sump at bumara sa internals. Ang epekto... TAO PO!!! Kumatok ang makina! :lol:

    Hitman: Just make sure na susundin mo yung PMS mo. My practice is every 5000 kms. Change oil, palit ng fuel filter at oil filter. Every other change oil po ako nagpapalit ng air filter kasi twice a week ako maglinis ng air filter, may air compressor kasi ako sa bahay.

    BTW, DIY po ang ginagawa ko every change oil. Overnight ko ginagawa tapos ijajack ko yung L3 sa opposite side ng oil drain para siguradong lahat ng langis tutulo. Tune up nalang po ang pinagagawa ko sa mekaniko ko every change oil.

    Pasensya na po sa mahabang post. :mrgreen:

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #14
    arl0011,

    Hindi pa calibration iyon. Sa calibration, nire-recalibrate ang injection pump para tama ang amount, timing, at pressure ng fuel na dinedeliver niya.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21
    #15
    so sir otep, kailangan din ire-calibrate yung pump together with the nozzle tip replacement para ok lahat?

    e yun po kayong black smoke pagni-rev?

    salamat po uli

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #16
    Ichecheck na po sa calibration shop kung may kailangan pang gawin sa nozzle tips.

    Dalawa po ang master calibrators natin dito sa board. Si Doc Diesel at si Hanson. Kaso mukhang busy sila making money kaya hindi maka-log on. :mrgreen:

    Dapat mawala ang karamihan ng black smoke after calibration.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #17
    ayot nasagot ni kupaloids :D

    natawa ko dun sa kumakatok ah hehehhehehhe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21
    #18
    aaaaH...so hindi lang pala nozzle tip replace

    so kulang yung ginawa sa Betan? :shock:

    salamat po sir Otep, at ipadadala ko uli dun yung oto, para ma-calibrate

    sayang naman kung bitin din ang pag-maintain

    salamat po uli

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    695
    #19
    kupaloids-
    thanks! ok lang mahaba ang post, very informative naman! Super NuB pa naman ako! :D

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #20
    OTEP e-epal ako ulit ha... :lol:

    arl0011: Yung sa tanong mo tungkol sa pag rev, baka naman binibigla ng tapak sa pedal pag rev. Dapat dahan-dahan lang. Mas mahirap kasi sunugin ang diesel kaya pag inapakan ng bigla, yung sobrang diesel e magiging black smoke. Di po katulad ng gasolina na halos instantaneous ang pag sunog.

    Check mo din yung exhaust pipe, baka makapal na ng karbon yung loob. Yung iba naglalagay ng water inlet sa may ibaba ng exhaust manifold tapos dun nilalahgyan ng hose at tubig tsaka irerev. Di ko pa lang nasusubukan yun.

    Kahit naman po sa tao pag binigla mo ng isang galon ng tubig ang inom, mabibilaukan at sisigok din yun :lol: j/k :mrgreen:

    crawdaddy salamat din, at least you found my post informative. :D

    fierari: Tama ba yun? TAO PO!!! o MAKINA PO!!! ? :lol:

Page 2 of 8 FirstFirst 123456 ... LastLast
Diesel Engines Maintenance Do's and Don'ts