Quote Originally Posted by fourtheboys96 View Post
lumuwag yung crankshaft pulley dahil nasira daw yung lock sabi ng mekaniko kaya kelangan alisin ang pulley at tingnan. kaso nung inaalis yung turnilyo, naputol siya sa gitna at naiwan sa loob yung kalahati.

ang suggestion ng mekaniko, ibaba ang crankshaft para madala sa machine shop at mahugot yung naiwan sa loob. kaso mejo tight budget tayo kaya hesitant ako sa ganun. para kasing overhaul na mangyayari dahil ibababa yung engine.

suggestion ko baka pwede barenahin (drill) unti unti yung naiwan sa loob.

ano sa tingin niyo??? any suggestions???

civic esi yung kotse

nga pala,, malalaman mong crankshaft pulley ang problema pag yung engine mo ay nag iba nag tunog, parang maingay na makina ng jeep,, maluwag na pulley pg ganun, pedeng higpit lang ang katapat,,, pag lost thread na, yun ang nagiging sanhi kung bakit maingay ang engine kasi bumabangga na yung pulley .. bale, dukot lang yan,, sa baba,, di na kelangang ibaba pa engine.. yung iba sasabihin baba engine e di mo naman kelangan nun,, sinasabi nila yun kasi mahal labor nun, syempre, laki kita ng mga mapagsamatalang mekaniko. pero kung di na matanggal yung naiwang turnilyo,, baba na talaga engine.

suggest ko sayo, pa check mo yan sa kapitbahay mong mekaniko na maaasahan, mahihiya kasi yun na singilin ka ng malaki syempre kapitbahay mo sya at kakilala mo.