For the past 2 months I noticed na pahina ng pahina ang hatak ng Corolla GLi ko lalo na pg nka on ang aircon ...
Last two days, bigla na lang nawawalan ng pressure ang clutch pedal at hindi kumakagat ang gear ... Pinagawa ko kanina sa mekaniko at ang diagnosis ay may gasgas na sa loob ng master cylinder kaya hindi maka sustain ang pressure at nagiging soft ang clutch pedal ..
Pinalitan ng replacement master cylinder .. at habang ginagawa, binuksan ko airbox at tinanggal ang air filter at grabe talaga ang na accumulate na dumi kaya pinalitan ko na rin ng replacement ..
Kanina habang ginagamit ko yung kotse, malakas na ang hatak at nawala na ang jerking sa 1st at 2nd gear .. kahit naka on yung aircon at full load, madali nang mag accelerate ..
Ano kaya ang nag cause ng mahinang hatak at jerking while on 1st & 2nd gear ?? yung busted clutch master cylinder or air filter ????