Pa OT lang mga sir! Hindi ko kasi alam kung may thread na dito about sa "Clutch".
Matigas tapakan, malalim na yung tapak niya, maingay parang squeaking noise kapag tinapakan siya, at parang may buhangin yung pakiramdam sa paa kapag tinapakan yung clutch ko. Medyo nabibigla na din yung bitaw ng makina pagtapos kumambya kasi masyado nang malalim yung clutch ko. At lastly, whenever the vehicle is running or stop and nasa idle, mayroon akong naririnig na ticking sound sa engine bay near to the driver's side at nawawala lang siya kapag tinapakan ko yung clutch or kahit pinatong ko lang yung paa ko sa clutch pedal at medyo bumaon.
Ano po kaya ito mga sir? Salamat po in advance!
