good day to all....
meron po akong problema sa 7k carb type (tamaraw fx). hirap umarangkada at may sinok sa low rpm pagkatapos ay saka aayos ang takbo pag nasa high rpm na. 3x na po nilinis ang carburador pero ganon pa rin ang takbo. nagpalit na po ako ng mga sumusunod ayon sa kagustuhan ng mekaniko ko.
1. fuel filter
2. contact point at condenser
3. spark plugs
4. high tension wires
5. air filter
6. engine oil at oil filter
bukod sa mga nabanggit, nag drain na rin ako ng fuel tank.
ano pa po kaya ang dapat na ma checkup para maayos ang problema? possible ba na carburador pa rin kaya ang problema? dahil dito ay di na rin matandaan ng mekaniko kung saan dapat naka-konekta ang mga vacuum lines. maaring naipagpalit-palit nya na. sino kaya makakapagbigay ng tamang diagram para ma-restore ko ang original connections ng mga vacuum.
maganda naman ang idling dahil hindi makalog ang makina at pasado naman sa emission test dahil kapaparehisto ko lang last month.
salamat po sa mga magre-reply....


Reply With Quote
